GMA Logo GMA CSID 2025
Photo source: GMA Network
What's Hot

GMA Christmas Station ID 2025, nag-iwan ng mensahe na umantig sa netizens

Published November 14, 2025 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire erupts in Kuwait's Shuwaikh oil sector complex after drone attack —report
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

GMA CSID 2025


Todo-react ang netizens sa mensahe ng GMA Christmas Station ID 2025, na nag-iwan ng inspirasyon at umantig sa puso ngayong malapit na ang Kapaskuhan.

Sa paglabas ng bagong GMA Christmas Station ID 2025 noong Linggo, November 9, nagpadama ito ng matinding inspirasyon at pagmamahal.

Nasilayan ng bawat Kapuso na “Puno ng Puso ang Pasko” dahil sa ipinakitang Filipino values. Kabilang dito ang pagiging mapagmahal sa pamilya, maabilidad, mapagmalasakit, makabayan, masayahin, malikhain, at maka-Diyos, na nagbigay halaga sa tunay na diwa ng Pasko.

Makikita rin ito sa inilunsad na “Ganito Tayo, Kapuso,” na pitong koleksiyon ng short films noong August, na nagbigay-daan para igunita ang 75th anniversary ng GMA.

Sa nakakaantig na mensahe ng GMA CSID 2025, hindi napigilan ng netizens na maging emosyonal sa pag-alala ng tunay na depinisyon ng Pasko, lalo na't hindi biro ang naging karanasan ng bawat Pilipino ngayong taon.

Pumukaw din sa netizens ang simpleng konsepto ng CSID ngayong taon dahil mas nakita nila ang puso sa mensahe.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa GMA CSID 2025:

Kasabay ng paglabas ng GMA CSID 2025, mas nabuhayan ng loob ang Kapuso viewers sa balitang ilalabas ang official soundtrack at lyric video nito.

“Abangan ang “Puno ng Puso ang Paskong Pinoy” official soundtrack at lyric video — coming very soon!” sulat ng GMA sa comments section ng video ng CSID 2025.

Panoorin dito ang GMA Christmas Station ID 2025:


RELATED GALLERY: 'Puno ng Puso ang Paskong Pinoy': Behind the scenes at the GMA Christmas Station ID 2025