
Patuloy ang paglakas ng GMA Network Entertainment website na nakapagtala ng 198.7 million page views at 11.8 million users sa unang dalawang buwan ng 2021.
Katumbas ito ng 31.74% na year-on-year increase sa page views at 14.48% naman sa users.
Noong 2020, nakakuha ang GMA Network Entertainment website ng 1.31 billion page views, na mas mataas nang 1.83% at 82.22 million users na mas mataas naman ng 44.38% kumpara noong 2019.
Humakot naman ng video views ang entertainment site noong 2020 sa tala nitong 9.59 million views, 157.39% na mas mataas sa naitalang 3.72 million noong 2019.
Ang GMA Network ang kauna-kaunahang Philippine network na nagkamit ng dalawang Diamond Creator Award, ang pinakamataas na recognition na ibinibigay ng YouTube sa mga content creator.
Habang isinusulat ang balitang ito, may mahigit 22.4 million subscribers na ang YouTube channel ng Kapuso Network. Ang main Facebook page ng naman ay nakalikom na ng mahigit 20,804,400 likes at total video views na 1.07 billion.
Sa loob naman ng 10 buwan, nadagdagan ng mahigit 370,000 followers ang TikTok account ng GMA, at nabibilang ito sa Top 6 most followed accounts noong 2020.
Nanguna rin ang mga digital platform ng GMA News and Public Affairs batay sa datos ng video analytics firm na Tubular Labs at itinanghal na numero uno sa lahat ng Philippine media organizations pagdating sa video viewership sa lahat ng digital platforms noong 2020.
Itinanghal naman ang GMA Public Affairs na most-watched news and politics media creator sa Asia Pacific region noong September 2020.
Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.