
Hindi maitago ang saya ng GMA executives sa pag-renew ng batikang talk show host na si Boy Abunda ng kontrata sa GMA Network.
Nag-renew ng kontrata si Boy sa GMA noon February 12. Dito, pinasalamatan niya ang network para sa patuloy na pagtitiwala sa kaniya.
“Ito'y nangangahulugan na patuloy ang tiwala at suporta. Nagpapasalamat ako sa pagkakataong ibinigay sa akin na bumalik sa GMA,” sabi ni Boy.
Dagdag pa ng Fast Talk with Boy Abunda host, “It takes a village to be able to do a 20-minute talk show. I do this with a community of committed people, and I will continue to do the show in gratitude and in love.”
TINGNAN ANG MGA NAGANAP SA CONTRACT RENEWAL NI BOY ABUNDA SA GALLERY NA ITO:
Sa interview ni GMA Network Chairman Atty Felipe L Gozon kay Nelson Canlas para sa "Chika Minute" ng24 Oras, sinabi niyang nagagalak siya sa pag-renew ni Boy ng kontrata sa Network.
“Nakita ko kung ano ang respeto sa kaniya ng mga artista hindi laman from GMA, miski sa ibang channels,” sabi niya.
Ganito rin ang reaksiyon ni GMA Network President and CEO Gilberto Duavit Jr. ang pagpapatuloy ng batikang host sa GMA.
“Kung makikita atin 'yung ratings e patunay lang na with Boy, yes, the answer is yes. We look forward to many more years. Nagpapasalamat tayo kay Boy sa tiwala niya,” sabi niya.
Pinansin din ng Senior VIce President Atty. Annette Gozon-Valdez ang nagagawa ng pag-interview ni Boy sa Sparkle artists para mas mapalapit sila sa mga tao.
“Kasi nakikita kung sino sila talaga. Lumalabas 'yung mga kung ano 'yung interesting sa kanila. May mga things na hindi alam ('yung mga tao), napapalabas niya (Boy) in a way na nakakatuwa,” sabi niya.
Para naman kay GMA Entertainment SVP Lilybeth G. Rasonable ay masaya sila sa magandang ratings ng Fast Talk with Boy Abunda at sinabing masaya silang isa pa ring Kapuso si Boy.
Samantala, sinabi naman ni Boy kung ano ang nagtutulak sa kaniya para magpatuloy sa kaniyang ginagawa.
“What kept me going from the very beginning was my unflinching belief in the power of the interview,” sabi niya.
Dagdag pa niya ay marami pa rin siyang natututunan at nag-iisip ng paraan kung papaano mahihikayat ang mga tao na panoorin ang kaniyang programa.
Panoorin ang buong interview nila dito: