GMA Logo Sanya Lopez and GMA Execs
What's Hot

GMA execs, nagpahayag ng saya at suporta para kay Sanya Lopez

By Kristian Eric Javier
Published September 28, 2023 9:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 19, 2025
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez and GMA Execs


GMA executives, masaya sa pagpirma ni Sanya Lopez ng exclusive contract sa Kapuso Network.

Sa pagpirma ng Kapuso First Lady of Primetime Sanya Lopez ng exclusive contract sa GMA Network kahapon, September 27, nagpahayag ng kanilang saya at suporta ang ilan sa mga executives ng network sa aktres.

Sa contract signing ay nagbigay ng maikiling mensahe ng pasasalamat si Sanya sa GMA at sa mga executives nito para sa kanilang tiwala sa kaniya.

“Gagawin ko po 'yung best ko at hindi ko po kayo bibiguin sa binigay n'yo po na ito at mananatili po akong Kapuso,” sabi nito.

Sa interview niya kay Cata Tibayan sa "Chika Minute" para sa 24 Oras, ipinahayag naman ng aktres na marami pa siyang gustong gawin at ready siyang sumubok ng bago at iba't-ibang roles na ibibigay sa kaniya.

“Puwede rin GL series, so mga hindi ko pa nagagawa, and puwede ang bida-kontrabida, so marami pa akong gustong gawin, superhero rin,” sabi nito.

Nang tanungin naman siya kung ano ang payo niya sa mga gustong maging artista, “Kung meron kang pangarap, ituloy mo lang 'yan, 'wag kang mapagod. 'Pag napagod ka, puwede kang magpahinga pero ituloy mo 'yan.”

Samantala, isa si Atty. Felipe L. Gozon, Chairman at CEO ng GMA Netowrk, sa mga nagbigay ng pasasalamat kay Sanya sa pagpirma nito ng exclusive contract sa network.

Ayon pa kay Atty. Gozon, “Itong kaniyang sign ng loyalty sa GMA, at ang GMA naman ay loyal din sa kaniya.”

“Ngayon, alam naman nating lahat na si Sanya ay isang pinakamaganda, magaling, at popular na artista. Now, she is a full-blown (GMA) arist,” sabi pa nito.

Inilarawan naman ni Senior Vice President Annette Gozon-Valdez si Sanya bilang isang “treasure” pagdating sa drama, at sinabing isa ang aktres sa pinakamagagaling sa larangan ng drama.

Samantalang ang SVP naman ng Entertainment Group na si Lilybeth G. Rasonable ay nagpasalamat sa tiwalang ibinigay ng aktres sa GMA para palaguin ang kaniyang karera.

“Tayo rin naman natutuwa na makakagawa pa tayo ng maraming-maraming proyekto at mabibigyan pa natin siya ng malaking support sa kaniyang career and to achieve her dreams,” sabi nito.

Pahayag naman ng President at COO ng GMA Network na si Gilberto Duavit Jr. ay alam niyang magiging “bigger and better” sa mga susunod na taon.

“Sanya, maraming salamat. Thank you for the honor that you bring all of us, the example you are to many of our talents, in fact, all of us, and we wish you the best of luck,” sabi nito.

Ipinaalala rin ng GMA executives na nasa likuran lang ng aktres ang GMA Network para suportahan ito.

Ipinahayag naman ni Finance Senior Vice President Felipe S Yalong na tama ang yumaong host at talent manager na si German Moreno o mas kilala bilang si Kuya Germs, at sianbing isa na nga sa mga biggest stars ng GMA si Sanya.

“She has been loyal with us ever since you introduced her to us and for that, we are so grateful na you'll continue to be a Kapuso,” sabi nito.