Article Inside Page
Showbiz News
Thank you, Kapuso!
By BEA RODRIGUEZ
Buhay na buhay ang GMA Fans Day mula kaninang umaga dahil punong-puno ang SM Mall of Asia Arena. Nakisaya at naghiyawan ang mga fans nang magtanghal ang kani-kanilang idolo bilang pasasalamat sa suporta na ibinigay nila sa loob ng 65 years.
LOOK:Kapuso stars, all set for GMA Fans Day 2015
Mainit ding tinanggap ng mga taga-suporta ang GMA News pillars na sina Mel Tiangco, Arnold Clavio, Vicky Morales, Howie Severino at Jessica Soho.
Humataw sa sayawan ang
The Half Sisters at
Healing Hearts casts nang binuksan nila ang show. Samantala, isa rin sa mga naging paborito ng mga Kapusong dumalo sa event ay ang performance ni
That's My Bae host Alden Richards na sumayaw ng
Twerk It Like Miley kasabay ni
Chika Minute host Iya Villania.
READ: Alden Richards, pinagkaguluhan sa US
Lubos naman ang pasasalamat ng mga news anchors at artistang dumalo sa nasabing fans day. Saad ng
Tonight With Arnold Clavio host, “Maraming salamat po at ‘di niyo kami binigo. 65 years na tayong magkasama, mga Kapuso. Ito ay para sa ekonomiya! Pak! Pak!”
Dagdag pa ni Barbie Forteza, “Pagpapasalamat na rin po sa lahat ng [sumusuporta] over the years sa GMA Kapuso.”
Aniya naman ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose, “Dito natin makikita ‘yung talagang suporta sa shows ng GMA.”
Kahanga-hanga namang ipinamalas ng
Sunday All Stars singers na sina Jaya, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Frencheska Farr at Kris Lawrence ang kanilang galing sa pagkanta ng Aegis medley habang si Asia’s Songbird Regine Velasquez naman ay kumanta ng isang Eraserheads classic,
Ang Huling El Bimbo.
READ: Glaiza de Castro considers team up with Rhian Ramos as her most successful love team
#JaThea in the house! Kilig at kulitan ang dala nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro! Present ba ang RaStro Rebels? #ThankYouKapuso
Posted by GMA Network on Sunday, July 26, 2015
Hindi naman papatalo ang
The Rich Man’s Daughter stars na sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro at Luis Alandy na kinanta ang “I Kissed a Girl” ni Katy Perry. Hindi rin nagpahuli ang love team nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid sa pagkanta ng theme song ng kanilang teleserye na
Let the Love Begin.
Abangan ang iba pang highlights ng GMA Fans Day 2015. Keep logging on to
www.GMANetwork.com.
LOOK:#ThankYouKapuso: GMA dedicates 65th anniversary to fans
#ThankYouKapuso: Grand Fans' Day, hatid ng GMA sa mga Kapuso supporters