
Muling magsasama-sama ang mga maniningning na artista ng idustriya sa nalalapit na GMA Gala 2023 ngayong July 22.
Isang linggo bago ang nasabing event, puspusan na ang paghahanda ng Sparkle artists para sa kanilang mga isusuot at elegant looks.
Tuloy-tuloy din ang preparasyon ng GMA Executives mula sa creative execution hanggang sa banquet para sa tinatayang halos isang libong media personalities na dadalo sa event.
Sa panayam ni Nelson Canlas kay GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, ibinahagi nito na hindi lamang GMA artists ang aasahan sa naturang event, dahil dadalo rin ang iba pang media partners, at non-GMA artists.
“It might be the event of the year kasi nandiyan of course ang ating artists pero invited din lahat ng partners natin, those na naka-collaborate natin.
“So, pati 'yung mga artists that we worked with na not from GMA will also be there, so we're very excited,” pagbabahagi ni Atty. Gozon-Valdes.
Samantala, kasado na rin ang menu na ihahanda sa event na mula pa sa iba't ibang mga bansa.
Ayon sa chef na si Meik Brammer na siyang maghahanda ng menu, “Every food speaks thousands of languages, food comes from all over the world, from Italy, from America, from Germany, and [from] all the continents.”
Ang GMA Gala ay magsisilbing fundraising event na makatutulong sa iba't ibang institusyon na lubos na nangangailangan.
Abangan ang iba pang updates tungkol sa GMA Gala sa lahat ng social media accounts ng GMA o magtungo sa GMANetwork.com.
SILIPIN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA UNANG GMA GALA SA GALLERY NA ITO: