
Trending at hot topic ngayon sa social media ang ginanap na GMA Gala 2023 kagabi, July 22, sa Pasay City.
Ang nasabing event ay dinaluhan hindi lamang ng Sparkle at Kapuso Stars kung 'di maging ng iba pang celebrities at social media personalities.
Sa Twitter, nasa number one spot ng Philippine trending topics ang #GMAGala2023, ang official hashtag ng nasabing event.
Hot topic din sa TikTok ang maraming videos mula sa red carpet ng gala at ang mga caught-on-cam moments ng mga celebrity.
Sa katunayan, wala pang isang araw, umabot na sa mahigit 2 million views ang videos ng Kapuso stars na sina Heart Evangelista, Jak Roberto, at Sparkle teens na sina Marco Masa at Ashley Rivera sa TikTok account ng GMA Network.
Samantala, sinabi rin ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes sa kaniyang interview sa GMA Gala 2023 red carpet na masaya siya sa naging pagtitipon-tipon ng maraming celebrities sa isang Kapuso event.
Aniya, “I'm happy to see everyone come together tonight and we're looking forward to this whole event.”
Dagdag pa niya, “Last year it was just like the tail end of the pandemic. So now, I think a lot of people really want to party. They really want to get together again and see old and new friends.”
Bukod sa naging masayang pagsasama-sama ng mga artista, ang GMA Gala 2023 ay isang fundraising event na naglalayong makatulong sa lahat ng beneficiaries ng GMA Kapuso Foundation.
BALIKAN NAMAN ANG NAGING PAGRAMPA NG MARAMING CELEBRITIES SA RED CARPET NG GMA GALA 2023 SA GALLERY NA ITO: