GMA Logo gma gala 2025
Photo source: sparklegmaartistcenter (IG)
What's Hot

GMA Gala 2025, may pasilip sa EDSA LED billboard

By Karen Juliane Crucillo
Published July 31, 2025 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

gma gala 2025


Nagpatikim ng sorpresa ang GMA Gala 2025 nang ipasilip ang teaser nito sa EDSA LED billboard.

Talagang kaabang-abang na nga ang nalalapit na engrandeng pagsasama-sama ng Kapuso stars sa GMA Gala 2025!

Sa Instagram, nag-post ang Sparkle ng teaser video ng GMA Gala 2025 na nasilayan sa LED billboard sa EDSA, Guadalupe, na lalong nagpainit sa excitement ng Kapuso fans.

"WE'RE OUT HERE LIGHTIN' UP EDSA LIKE IT'S OUR OWN RED CARPET!" isinulat ng Sparkle.

Nagpasalamat din ang talent management sa clothing brand na JAG.

"Big thanks to JAG for making this happen," sabi nito.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Sa comments section, nagkomento ang netizens ng mga inaabangan nilang Kapuso stars sa gala. Ilan sa mga binanggit nila ay sina Alden Richards, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Shuvee Etrata, Dustin Yu, Bianca de Vera, Miguel Tanfelix, at Ysabel Ortega.

Dalawang araw na lang at masisilayan na ang mga bigating bituin at personalidad sa red carpet sa nalalapit na GMA Gala 2025 ngayong Sabado, August 2.

Samantala, balikan dito ang naggagandahang GMA Gala 2024 red carpet looks ng Kapuso stars:

Nagpatikim ng sorpresa ang GMA Gala 2025 nang ipasilip ang teaser nito sa EDSA LED billboard.