What's on TV

GMA, hinintay ang 'tamang panahon' para kay Maine Mendoza

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 24, 2020 8:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Trump says Putin has been invited to join Board of Peace
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Aminado si Maine, pati na ang kanyang management na hindi pa siya handa para sa isang teleserye noon. Pero ngayon, dumating na ang tamang panahon.

Kaliwa't kanan ang naging acting offers kay Philippine Dubsmash Queen Maine Mendoza simula nang sumikat ito sa kalye-serye ng Eat Bulaga

Aminado si Maine, pati na ang kanyang management na hindi pa siya handa para sa isang teleserye noon.

"Noong una, noong sinabi ngang hindi pa siya ready, ang sabi sa 'min ni Mr. [Tony] Tuviera, 'We will tell you when she's ready. She has to go through a series of workshops,'" bahagi ni GMA Vice President for Drama Redgie A. Magno sa press conference ng Drama Group ng GMA Entertainment TV.

"I guess dumaan din siya doon kasi sa kanila din naman nanggaling na she's ready," dagdag pa niya.

Habang hinihintay ng network ang "tamang panahon" para sa dalaga, puspusan pa rin ang paghahanda nito para sa seryeng pagbibidahan ni Maine at ng kanyang ka-love team na si Alden Richards.

Ibinahagi rin ni Magno na maagang nag-commit sina Alden at Maine para sa serye.

 

A photo posted by Alden Richards (@aldenrichards02) on


Nakatakdang mapanood ang unang primetime series nina Alden at Maine na Destined To Be Yours ngayong taon, sa GMA Telebabad.

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

MUST-READ: Alden Richards at Maine Mendoza, maagang naglaan ng panahon para sa kanilang teleserye

AlDub soap na 'Destined To Be Yours,' malaking pressure sa network at sa producers