GMA Logo GMA Kapuso Foundation
What's Hot

GMA Kapuso Foundation, 70 taon nang kaagapay ng sambayanang Pilipino

By Dianara Alegre
Published June 6, 2020 1:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Benilde Lady Blazers keep Group A top spot within reach after sweeping JRU
Witness IDs suspect in killing of brgy chief in Iloilo
Gabbi Garcia ensures she uses her platform to empower women

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Kapuso Foundation


GMA Kapuso Foundation, buong puso para sa Pilipino!

Kasabay ng 70 taong anibersaryo ng GMA Network, pitong dekada na ring naghahatid ng serbisyo at pag-asa ang GMA Kapuso Foundation sa sambayanang Pilipino.

Sa nakalipas na mga taon, hindi matatawaran ang naging kontribusyon ng GMA Kapuso Foundation para matulungan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga taong higit na nangangailangan.

Nakaparaming buhay na ang nahaplos ng naturang organisasyon sa ilalim ng mga proyektong Give-a-Gift Project, Unang Hakbang sa Kinabukasan, Kapuso Cancer Champions, Sagip Dugtong Buhay, Operation Bayanihan, Wheelchair-Giving Peoject, Kalusugan Karayan, Ngiting Kapuso Project, Kapuso 20/20 Eye Project, Serbisyong Alay sa Kalalakihan, Bisig Bayan Medical Assistance, Kulayan ang Kinabukasan Project, at Serbisyong Alay sa Kababaihan.

Ngayong ipinagdiriwang ng istasyon ang ika-70 anibersaryo nito, asahang patuloy na magiging tulay ang GMA Kapuso Foundation para sa katuparan ng mga pangarap at minimithi ng taumbayan.

Maglilingkod nang tapat at buong puso para sa Pilipino.