
Ang bagyong Ambo ang unang bagyong pumasok sa Pilipinas sa taong 2020.
Hindi pa man tuluyang nakakabangon ang bansa dahil sa COVID-19, nanalanta na ang bagyo sa mga lugar tulad ng Northern at Eastern Samar, partikular na sa coastal areas dito.
Kaya naman noong May 18, nagsimula nang maghatid ng relief goods sa sa rehiyon ang GMA Kapuso Foundation.
Higit 2,500 na mga tao mula sa Las Navas at Catubig, Northern Samar at Dolores, Eastern Samar ang nahatiran ng tulong.
Lubos ang pasasalamat ng GMA Kapuso Foundation sa Kevin & Shirley Wong Foundation at sa iba pang donors.
Katuwang pa rin sa pamamahagi at maging sa pagre-repack ang 8th Infantry Division, 803rd Brigade, at 20th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Samantala, patuloy na tumatanggap ng mga donasyon ang GMA Kapuso Foundation. Bisitahin lang ang kanilang official site para malaman ang iba't ibang paraan ng pagdo-donate.