GMA Logo GMA Kapuso Foundation holds blood drive
What's Hot

GMA Kapuso Foundation, nagdaos ng blood drive kasama ang ilang sundalo

By Marah Ruiz
Published June 25, 2020 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kim Molina still 'confused' as husband Jerald Napoles greets Gerald Anderson a happy birthday
Fajardo, Ando lead honorees in 40th Cebu Sports Awards
Nikko Natividad's wife Cielo Eusebio speaks up about viral intimate video scandal

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Kapuso Foundation holds blood drive


Tiniyak ng GMA Kapuso Foundation na nasunod ang health and safety protocols sa blood drive na idinaos nito kasama ang ilang sundalo.

Bumaba ang supply ng dugo sa iba't ibang blood bank sa bansa dahil sa COVID-19.

Isa sa mga apektado dito ang walong taong gulang na batang si Janry Tolentino na may kundisyong acute myelogenous leukemia.

Dahil sa sakit, madalas siyang nangangailangan ng blood transfusion.

"Every week po na salin namin, kailangan po namin ng anim na bag. Naghahanap po kami sa labas. Hindi naman po laging mayroon kaming pambili," pahayag ng ina ni Janry na si Gemmai.

Para makatulong kay Janry at sa mga katulad niya na nangangailangan ng dugo, tumungo ang GMA Kapuso Foundation at Philippine Red Cross sa headquarters ng Philippine Marines.

Dito, nag-donate ng dugo ang ilang mga sundalo.

Tiniyak naman ng GMA Kapuso Foundation na nasunod ang health and safety protocols sa blood drive.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa Philippine Red Cross, Philippine Marine Corps, Philippine Army, Philippine Air Force at Ever Commonwealth para sa kanilang suporta.

Para malaman kung paano makakatulong, panoorin ang video na ito.



Para sa mga nais pang tumulong sa iba pang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, bisitahin lang ang kanilang official website.