GMA Logo GMA Kapuso Foundation helps Nueva Ecija
What's Hot

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mahigit 3,000 tao sa Nueva Ecija

By Marah Ruiz
Published July 13, 2020 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO orders SUV driver to explain viral reckless driving along NAIAX
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Kapuso Foundation helps Nueva Ecija


Mahigit 3,000 tao sa Nueva Ecija na apektado ng pandemic ang hanap-buhay ang nagbigyan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.

Nasasayang daw ang mga gulay ng mga ilang nagtitinda nito sa Nueva Ecija dahil sa matumal na benta dulot ng COVID-19.

Kabilang dito ang mag-asawang Marilou at Gregorio Obina na naglalako ng gulay.

Kumikita sila ng P200 kada araw. Kalahati nito, pambayad sa nirerentahang sidecar habang ang natitira naman ang paghahatian nila at ng kanilang siyam na anak.

Dahil sa pandemic, nabawasan pa ang kanilang kita.

Para matulungan sila, naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng GCQ family packs at hygiene kits para sa mahigit 3,000 na residente ng Guimba, Nueva Ecija.

Naging posible ito, salamat sa mga donasyon mula sa STC Paper and Packaging Solutions, Jollibee Group, Rebisco at iba pang partners.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang 7th Infantry Division at 84th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Para sa mga nais pang maghatid ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.