What's Hot

GMA Kapuso Foundation, nagparating ng tulong sa 2,400 residente ng Quezon City

By Marah Ruiz
Published May 7, 2020 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
'American Pie' star Shannon Elizabeth joins OnlyFans
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Kapuso Foundation helps Quezon City


Sa Barangay Bagong Silang sa Quezon City naman naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation.

Nasa 2,400 residente sa Barangay Bagong Silang sa Quezon City ang nahandugan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.

Kabilangs sa komunidad na ito ang mga single mother na nawalan ng hanapbuhay dahil sa banta ng COVID-19.

Nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng fully loaded Kapuso grocery packs, frozen Chicken Joy packs, at mga sabon.

Lubos na nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa mga donasyon mula sa Jollibee Group, Coca-Cola Beverages Philippines Inc., Kingcup Sardines, Fly Ace Corporation-Jolly, at Gardenia Bakeries, Inc.

Katuwang din sa pamamahagi ang Joint Task Force-NCR ng AFP.

Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para sa medical supplies na ihahandog sa COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maaari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.