GMA Logo GMA Kapuso Foundation 55th Anvil awards
What's Hot

GMA Kapuso Foundation wins at the 55th Anvil awards

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 4, 2020 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr: 3 more EDSA Busway stations in 2026
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Kapuso Foundation 55th Anvil awards


GMA Kapuso Foundation wins three awards at the 55th Anvil Awards. Congratulations, Kapuso!

Tatlong proyekto ng GMA Kapuso Foundation ang pinarangalan sa 55th Anvil Awards noong Biyernes, February 28, sa Manila Hotel.

Nanalo ng Gold Anvil Award in Special Public Relations Program ang 'Rebuild Dreams in Marawi Project' ng Kapuso Foundation.

Sa ilalim ng programa, nakalikom ang Kapuso Foundation ng sapat na pera para sa upcycled chairs and tales na idinonate sa public elementary schools na nadamay sa gulo sa Marawi.

Personal naman na tinanggap ni GMA Kapuso Foundation founder and ambassador Mel Tiancgo ang Silver Anvil Award para sa 'Kapuso Tulay Para sa Kaunlaran.'

Isa sa mga naipatayong tulay ng Kapuso Foundation sa Buhi, Camarines Sur ang nagamit ng mga tao para makaligtas sa hagupit ng bagyong Usman noong 2019.

“Siyempre, sine-share natin 'yan sa ating mga partners dahil hindi maisasakatuparan 'yun kung wala 'yung napakaraming tumulong,” saad ni Tita Mel.

“Kaya ating inihahandog ang parangal na ito na ibinigay ng Anvil Awards sa kanilang lahat.

“Maraming, maraming salamat sa inyo.

“Ang parangal na ito ay hindi lang sa foundation, sa ating lahat ito.”

Nanalo rin ng Silver Anvil Award ang 2018 GMA Kapuso Foundation annual report.

Panuorin ang buong report sa 24 Oras: