
Noong Lunes (November 11), sabay-sabay pinanood ng mga Kapuso ang masaya at nakakaantig na GMA Network 2024 Christmas Station ID na "Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat."
Layunin ng jingle na ipakita ang totoong diwa ng paskong Pinoy na puno ng pasasalamat, pagmamahal, at saya kasama ang kanilang pamilya at kaibigan.
Kasabay ng paglabas ng maligalig na Christmas Station ID, available na rin ang nakakaaliw na digital stickers nito sa online messaging service na Viber. Maaring ibahagi ang pasasalamat ngayong Pasko sa mga kaibigan at pamilya, gamit ang mga special stickers na ito.
I-download ang #GanitoAngPaskongPinoy sticker pack sa link na ito: https://bit.ly/4fIZlgO
Silipin sa gallery na ito ang mga Kapuso artist na naging bahagi ng Christmas Station ID ngayon taon: