
Naglabas na ng subpoena ang Office of the City Prosecutor ng Quezon City sa executives ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. upang dumalo sa mandatory mediation conferences, kasama ang ilang opisyal mula sa GMA Network Inc.
Ayon sa legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, noong May 22 lamang nila nalaman ang tungkol sa reklamo. Natanggap naman ng kompanya ang opisyal na subpoena noong May 23, matapos ang unang araw ng mediation conference.
“On May 22, TAPE just learned of the complaint via news and when we checked the docket section ng [Office of the City Prosecutor], wala daw po. Then, May 23, TAPE received the subpoena for mediation kaya hindi sila naka-attend,” pahayag ni Atty. Maggie sa GMA News Online via text message.
Nilinaw naman ng abogado na susunod at rerespetuhin ng TAPE ang proseso ng reklamo, kabilang ang pagdalo sa susunod na conference na itinakda sa May 29.
“We will schedule a meeting with the board of directors of TAPE to discuss the possible offer of settlement, if there is any, because this is the purpose of mediation, for parties to come up with compromise agreement to end the dispute and forego with the regular preliminary investigation in criminal cases," dagdag niya.
Ang mediation conference ay may kaugnayan sa Ph_37-million estafa complaint na isinampa ng GMA Network laban sa TAPE.
Sa reklamo, sinabing nabigo ang TAPE na i-remit ang advertising revenues na nakolekta mula sa mga kliyente--mga bayad na contractually assigned sa GMA Network batay sa 2023 Assignment Agreement. Ayon pa rito, ginamit umano ng TAPE ang naturang pondo para sa kanilang operational expenses, bagay na labag umano sa kasunduan ng dalawang panig.
Noong July 1, 2023, nagsimulang umere ang noontime show na iprinodyus ng TAPE, ang Tahanang Pinakamasaya, sa GMA. Ito ay tumagal ng halos walong buwan, at ang huling episode ay umere noong March 2, 2024.
Balikan ang huling episode ng programa rito: