GMA Logo GMA Network
What's Hot

GMA Network, may walong bagong DTT stations

By Marah Ruiz
Published May 21, 2025 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Network


May walong bagong digital terrestrial television stations ang GMA Network.

Para mas palawakin ang naaabot na mga manonood, may walong bagong digital terrestrial television (DTT) stations ang GMA Network.

Ibinahagi 'yan ni President and CEO Gilberto R. Duavit, Jr. sa GMA Network Annual Stockholders' Meeting na ginanap virtually noong May 21.

Bukod sa walong bagong DTT stations, may pina-upgrade din itong isang analog TV station. Dala nito, may kabuuang 115 analog at digital TV transmitter stations na ang GMA Network nationwide.

"As we go forward, no effort is spared towards achieving our objective of value optimization in the broadcast and digital spaces, keeping a keen eye out to ensure our continued leadership and competitiveness in both," lahad ni Duavit.

Bukod dito, ibinalita din niya na nanatiling leading media company noong 2024 ang GMA Network.

Ayon sa tala ng Nielsen's National Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings, may average na 5.1 rating points ang GMA, habang may 1.2 average rating points ang isa pang channel ng network na GTV. Pumagitna sa dalawang ito ang TV5 namay 1.9 average rating points.

Sa top 30 television programs naman ng NUTAM, 26 dito ang Kapuso shows, kabilang ang Kapuso Mo, Jessica Soho, 24 Oras, at 24 Oras Weekend.

Ang GMA din ang highest-ranking media company sa loob ng 11 magkakasunod na buwan noong 2024 ayon sa Leaderboard for Media ng Tubular Labs. Ayon din sa kanilang datos, nagtala ng 45.5 billion views ang official social media accounts ng GMA, kabilang ang Facebook, Youtube, TikTok.

Ang official website namang GMANetwork.com ang nanguna sa lahat ng Filipino publishers sa local rankings sa loob ng limang buwan, at global rankings sa loob ng tatlong buwan noong second semester ng 2024, ayon sa Similar Web.

Ilang malalaking tagumpay din ang natamo ng GMA Pictures. Big winner sa 50th Metro Manila Film Festival ang Green Bones na co-produced nito kasama ang GMA Public Affairs. Critically-acclaimed at box office hit naman ang Balota na collaboration nito sa GMA Entertainment Group. Naging highest-grossing Filipino film of all time naman ang Hello, Love, Again na production with Star Cinema.

Basahin ang buong report ni President and CEO Gilberto R. Duavit sa 2025 GMA Network Annual Stockholders' Meeting:

GMA Network Reinforces Leadership in Philippine Broadcast and Digital Media