GMA Logo MA Masaya Dito Campaign
What's Hot

GMA Network reveals new 'source of happiness' to Kapuso viewers

By Jimboy Napoles
Published April 21, 2024 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

MA Masaya Dito Campaign


Kapuso, nahanap mo na ba ang magpapasaya sa'yo? Kung hindi pa, may irereto kami sa'yo.

Sa dami ng problema at stress sa buhay, kailangan ng source of happiness para magbigay ng good vibes. Huwag mag-alala dahil sagot na ng GMA ang magpapasaya sa inyo, mga Kapuso.

Ngayong Abril, sisimulan ng GMA Entertainment ang newest campaign na “Masaya Dito!” -- kung saan mas gagawing masaya at makulay ang inyong paboritong Musical Varitey and Talent Reality shows kasama ang All-Out Sundays, TiktoClock, Sarap 'Di Ba?, The Clash, at The Voice Kids.

Sa “Masaya Dito!” campaign mas enjoy ang panonood ng Kapuso musical variety at talent reality shows sa TV at online streaming.

Humanda na dahil ine-next-level pa ang world-class performances sa Sunday habit ng mga Pinoy na All-Out Sundays.

Sa TiktoClock, hindi na uso ang “nonchalant” dahil mas itotodo pa ang pagbibigay ng “OA” na saya at papremyo sa maraming Kapuso.

Ang stress-reliever na chikahan sa Sarap, 'Di Ba? mas magiging exciting din dahil sa mga juicy revelation ng mga guest artist.

Ihanda na rin ang mga mikropono at maki-sing-along sa talented contestants at talents sa new season ng The Clash at The Voice Kids.

Ngayong Linggo, April 21, reward yourselves with heartfelt happiness kasama ang inyong pamilya, barkada, o special someone sa panonood ng All-Out Sundays kung saan present din ang mga paborito niyong Kapuso stars mula sa programang TiktoClock, Sarap 'Di Ba?, The Clash, at The Voice Kids. Kasama rin si Jingjing, ang cute animated character na pwedeng i-download sa social media!

Skip na ang lungkot at stress, maging “in-game” sa saya sa panonood ng Kapuso musical variety at talent reality shows araw-araw! Dahil sa GMA…Masaya Dito!