Showbiz News

GMA News Online, humakot ng parangal sa 10th Paragala Awards

By Marah Ruiz

Humakot ng pagkilala ang GMA News Online sa 10th Paragala Central Luzon Media Awards, ang taunang parangal ng Communicators' League ng Holy Angel University.

Tatlong parangal ang inihandog sa GMA News Online. Kabilang dito ang Crisis Coverage Award - Digital News Website, isang pagkilala para sa serbisyo ng GMA News Online bilang "source of accurate, reliable, and relevant information."

Nakuha rin ng GMA News Online ang Eye of the Nation Award - Digital News Website para sa wastong makabuluhang impormasyon ibinibigay nito tungkol as pang-araw araw na balita.

Inihandog din sa GMA News Online ang Voice of Society Award - Digital News Website bilang mainstream media practitioner na naghahatid ng balita at impormasyon para sa pagbabago sa lipunan.

Nabingwit naman ni GMA Integrated News reporter and anchor Bernadette Reyes ang Crisis Coverage Award - Journalist para sa paglikom at pagpapalaganap ng wastong impormasyon sa gitna ng krisis.

Iginawad naman kay Brigada at Pinas Sarap host Kara David ang Paragala Panghuwaran - Outstanding Media Educator na kumikilala sa kanyang efforts para imulat ang iba't ibang henerasyon sa mahahalagang isyung panlipunan.

Natanggap naman si Howie Severino ang Paragala Panlipunan - News and Current Affairs na kumikilala sa kanyang mahusay na trabaho bilang isang documentarist na nagpapakita ng "conscience, competence, and compassion" sa kanyang trabaho.

Sa ika-10 taon nito, itinuturing ang Paragala Central Luzon Media Awards bilang largest student-based award-giving body sa Pilipinas.

Napipili ang mga award recipients nito sa pamamagitan ng automated voting ng mga mag-aaral sa iba't ibang kolehiyo at unibersidad sa Central Luzon.

Idinaos ang parangal ng Paragala Central Luzon Media Awards noong June 9 sa Holy Angel University Theater.