
Mabusisi ang ginagawang paghahanda ng buong puwersa ng GMA News and Public Affairs para sa pinakamalaki at komprehensibong coverage sa gaganaping eleksyon sa Mayo 9.
Sa katunayan, may pasilip na ang ilan sa multi-awarded Kapuso news personalities sa kanilang preparasyon para sa “Eleksyon 2022: The GMA News and Public Affairs Coverage'' na magsisimula 4:00 a.m. ng May 9 hanggang kinabukasan May 10.
Ayon sa Instagram post ng GMA News pillar na si Arnold Clavio, isa sa sinisiguro ng Kapuso Network ang kaligtasan ng lahat, ngayong may pandemya kaya't sumabak na sila sa RT-PCR testing ng kaniyang Unang Hirit co-host na si Connie Sison.
Saad sa post ni Igan, “Ready na kami ng partner kong si @connie_sison para sa coverage ng Eleksyon 2022… At ang una naming responsabilidad ay kaligtasan ng lahat sa @gmanews at @gmapublicaffairs kaya agad kaming nagpa-rtpcr test.
“Maraming salamat sa mababait na frontliner. Stay safe.”
Samantala, may pasilip din ang Saksi anchor na si Pia Arcangel sa pinagkakaabalahan niya para sa Eleksyon 2022.
Piliing tumutok sa mas pinagkakatiwalaang broadcast network ng bansa at alamin ang maiinit na balita sa araw ng eleksyon.
Ito ang pasilip sa most trusted election coverage ng GMA Network sa video below.