GMA Logo GMA personalities
What's Hot

GMA News personalities, wagi sa 15th Gawad Filipino Awards

By Jansen Ramos
Published December 28, 2020 10:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

GMA personalities


Kinilala bilang "Bayaning Pilipino" sina Vicky Morales, Ivan Mayrina, Jose Reyes Zobel, Ali Sotto, Mariz Umali, at Saleema Refran ng 15th Gawad Filipino Awards para sa kanilang serbisyo ngayong COVID-19 pandemic.

Ginawaran ang ilang GMA News anchors, reporters, at DZBB hosts ng 15th Gawad Filipino Awards ng Bayaning Pilipino Frontliners Award para sa kanilang pagtulong sa mga kababayang naapektuhan ng COVID-19.

Sa pakikipagtulungan ng EuroTV Philippines, ginanap ang annual event sa Aberdeen Great Eastern Hotel sa Quezon City ngayong Linggo, December 27.

Kabilang sa mga pinarangalan ang 24 Oras anchor na si Vicky Morales at Unang Balita anchor na si Ivan Mayrina, at ang GMA News reporters na sina Mariz Umali at Saleema Refran.

Ibinigay din ng 15th Gawad Filipino Awards ang Bayaning Pilipino Frontliners Award sa DZBB hosts na sina Joel Reyes Zobel at Ali Sotto.

Anim lamang sila sa isang daan na kinilala ng Gawad Filipino Awards ngayong taon para sa kanilang serbisyo.

Bukod sa media personalities, natanggap din ng ilang organisasyon at kumpanya ang Bayaning Pilipino Frontliners Award.

Sa tulong ng GMA Kapuso Foundation, ang GMA News and Public Affairs ang isa sa mga naunang naghatid ng tulong sa mga Pilipino ngayong may krisis sa kalusugan.

Bukod pa rito, nasa front line din ang network para magbigay ng assistance sa mga biktima ng kalamidad gaya ng pagputok ng Bulkang Taal at Bagyong Ulysses.

Bago ang 15 Gawad Filipino Awards, kinilala rin ang 42nd Catholic Mass Media Awards ang mga programa ng GMA News and Public Affairs at Super Radyo DZBB, gayundin ang entertainment programs ng GMA Network.

Sa kabuuan, nakakuha ng 17 award ang Kapuso network sa kakatapos lang na Catholic Mass Media Awards.

Big winner din ang GMA News and Public Affairs shows at personalities sa 7th Paragala: The Central Luzon Media Awards, 10th EdukCircle Awards, at 2020 Platinum Stallion National Media Awards.