
Mas masaya na ang viewing experience sa mobile digital TV receiver ng GMA Network na GMA Now dahil sa bagong interactive features nito.
Maaari nang mag-save at mag-share ng clips ng mga paborito niyong Kapuso shows gamit ang bagong Screen Recording features. I-tap lang ang record button sa TV player at i-allow ang mga required permissions. Mase-save ang recorded clips sa Gallery ng inyong smartphone. Kailangan lang ng at least 100MB free storage space ang device para makapag-record.
Puwede na ring mag-multitask sa iyong device gamit ang Picture-in-Picture (PIP) feature kung saan maaaring mag-switch sa iba pang app habang nanonood sa GMA Now. Gamit ito, mananatili ang GMA Now TV player sa ibabaw ng app na iyong ginagamit, bilang isang floating window. Android 8.0 Oreo ang minimum requirement na operating system ng inyong smartphone upang magamit ang feature na ito.
Bukod sa bagong features na ito, mas pinaganda pa ang ibang existing features ng GMA Now. Isa na rito ang GMA Videos On-Demand kung saan mapapanood na ang full episodes ng paborito niyong Kapuso shows. Mas pinaganda na rin ang Groupee chat kung saan mas marami na ang puwedeng magamit na Groupee stickers.
Para magamit ang bagong features na ito, i-update lang ang inyong GMA Now app sa pamamagitan ng pagbisita sa Google Play Store.
Ang GMA Now ay isang mobile digital TV receiver na maaaring i-plug sa iyong Android phone para makapanood ng live TV on the go for free.
Gamit ito, makakapanood ka na ng live broadcast GMA, GTV, Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV, I Heart Movies, at iba pang free-to-air digital channels na available sa inyong area.
Available ang GMA Now sa ilang piling lugar sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Abra, Ilocos Sur, Baguio City, Pangasinan, Batangas, Metro Cebu, Metro Davao, Cagayan de Oro, Bacolod City, pati na sa Guimaras at Iloilo.
Kasalukuyang naka-promo pa rin ang GMA Now. Mula sa orihinal na presyong PhP649.00, mabibili ito sa discounted prince na PhP599.00 hanggang October 27, 2021.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang official site ng GMA Now o i-follow mga official social media accounts nito sa Facebook, Instagram, at Twitter.