Article Inside Page
Showbiz News
Dahil ‘Puso ang Una’ sa GMA, simula ngayong linggo ay ihahandog ng Afternoon Prime ang bagong line-up ng drama na kaabang-abang tuwing hapon.
Dahil ‘Puso ang Una’ sa GMA, simula ngayong linggo ay ihahandog ng Afternoon Prime ang bagong line-up ng drama na kaabang-abang tuwing hapon.
Villa Quintana

Noong nakaraang linggo sa
Villa Quintana, sa galit ni Stella (Maricar de Mesa) kay Lynette ay nasabi niyang hindi niya tunay na anak ang dalaga. Nag-ugat ang galit ni Stella nang malamang nagpunta si Isagani sa debut ni Lynette. Dahil sa sama ng loob ni Lynette, pinuntahan niyang muli si Isagani at umiyak sa harap niya. Pinatahan siya ni Isagani at gumaan ang loob niya matapos siyang halikan nito. Dahil sa nangyari, official nang mag-girlfriend at boyfriend ang dalawa. Sa huli, binawi ni Stella ang mga nasabi niya sa anak.
Hanggang kailan kaya itatago ni Stella ang katotohanan na hindi niya tunay na anak si Lynette? Sino-sino pa ba ang mga taong hahadlang sa pag-iibigan nina Isagani at Lynette?
Magkano Ba Ang Pag-ibig?

Last week sa
Magkano Ba Ang Pag-ibig?, humingi ng tawad si Margot (Katrina Halili) kina Eloisa (Heart Evangelista). Ginawa niya ito dahil mayroon siyang binabalak na masama sa kanila. Nakumbinsi niyang tumira sina Eloisa at Gigi (Alessandra de Rossi) sa bahay kasama niya at ni Bobby (Dominic Roco). Walang kaalam-alam ang lahat na naglagay si Margot na CCTV cameras sa paligid ng bahay para mabantayan niya ang kilos nila. Tatangkain din ni Margot na patayin si Bobby para mapunta sa kanya ang mana na galing sa mga Buenaventura.
Hanggang kailan papaikutin ni Margot ang mga tao sa paligid niya? Tuluyan na ba siyang magtagumpay sa pagkuha ng kayamanan ng mga Buenaventura?
The Borrowed Wife

Ngayong linggo magsisimula ang
The Borrowed Wife, ang bagong soap na pagbibidahan nina Camille Prats, Rafael Rosell, Pauleen Luna at TJ Trinidad. Sa istorya, pagtataksilan ni Rico (Rafael) ang asawang si Maricar. At dahil sa sama ng loob ni Maricar, magpapakalayo siya at mapapadpad sa isang resort kung saan niya makikilala si Earl (TJ Trinidad). Aangkinin siya ni Earl at hindi niya siya papaalisin. Lalo pang hindi makakaalis si Maricar dahil magkakaroon ng sunog sa resort na ikakasunog ng kanyang mukha at magdudulot din sa kanya ng amnesia. Papalitan ni Earl ang mukha ni Maricar, papangalanan siyang Sophia, at magpapakilala bilang kanyang asawa.
Kailan kaya magigising sa katotohanan si Maricar? Mabawi kaya muli ni Rico si Maricar kay Earl?
Tale of Arang

Isa na namang Asianovela ang ihahandog ng GMA, ang
Tale of Arang na pangungunahan nina Shin Min-ah, Lee Jun-ki, at Yeon Woo-jin. Iikot ang istorya kay Arang (Shin Min-ah), ang isang multo na nais makilala ang sarili at malaman ang dahilan ng pagkamatay niya. Makikilala niya si Eun Oh (Lee Jun-ki), isang young magistrate na may kakayahang makipag-usap sa mga multo. Tutulungan niyang sagutin ang mga tanong ni Arang tungkol sa kanyang pagkamatay. Pero habang ginagawa niya ito, mararamdaman niyang may pag-ibig na mabubuo sa kanilang dalawa.
Tuluyan bang magkakaroon ng pag-ibig sa pagitan nina Arang at Eun oh? Puwede bang umibig ang isang tao sa isang multo?
Alamin ang mga sagot sa mga tanong na iyan sa pamamagitan ng pagsubaybay sa pinakabagong GMA Afternoon Prime simula ngayong linggo, pagkatapos ng
Eat Bulaga. Patuloy na subaybayan ang
Villa Quintana at Magkano Ba Ang Pag-ibig?. Abangan naman ang bagong shows na
The Borrowed Wife at
Tale of Arang.
- Text by Al Kendrick Noguera, GMANetwork.com