GMA Logo Coleen Garcia, Faye Lorenzo, Sanya Lopez, Xian Lim, Playtime
Courtesy: Aaron Eusebio
What's Hot

GMA Pictures and Viva Films introduces 2024 film 'Playtime'

By EJ Chua
Published December 22, 2023 10:10 AM PHT
Updated December 22, 2023 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Coleen Garcia, Faye Lorenzo, Sanya Lopez, Xian Lim, Playtime


May bagong pelikulang aabangan ngayong 2024 starring Sanya Lopez, Coleen Garcia, Faye Lorenzo, at Xian Lim.

Isang bagong pelikula ang handog ng GMA Pictures at Viva Films sa paparating na bagong taon na 2024. Ito ay ang sexy-suspense-thriller film na pinamagatang, Playtime.

Nito lamang Miyerkules, December 20, 2023, sa story conference ng pelikula, ipinakilala na ang ilang mga aktor na kabilang sa cast nito. Pagbibidahan ito nina Sanya Lopez, Coleen Garcia, Faye Lorenzo, at Xian Lim.

Magtatambal sa pelikula ang Kapuso stars na sina Sanya at Xian.

Sa isang panayam, ibinahagi ng aktor na si Xian kung ano ang naging reaksyon niya nang malaman niya ang konsepto ng pelikula.

Pahayag niya, “When first met with Direk Mark [Reyes] and he explained the concept… sobra akong na-excite.”

Tulad ni Xian, excited din ang kanyang co-star na si Coleen sa pagbuo ng pelikula.

Pagbabahagi niya, “Nakaka-excite talaga and I've been wanting to do this genre.”

Ang naturang collaboration movie project ng GMA Pictures at Viva Films ay idi-direk ng Filipino director na si Direk Mark Reyes. Abangan ang pelikulang Playtime, mapapanood sa big screens sa 2024.