
Isa ang Pilipinas sa mga bansang may magandang lenggwahe at hitik sa iba't ibang diyalekto. Kaya naman, para bigyan ng mas malawak at mas malalim na pag-unawa ang Global Pinoys ay naglunsad ang GMA Pinoy TV, ang international channel ng GMA Network, ng orihinal na online series na I Speak Pinoy.
Layunin ng I Speak Pinoy ang bigyan ang Global Pinoys at maging ang ibang mga nasyonalidad ng malalim na pang-unawa sa Tagalog at iba't ibang diyalekto ng bansa. Mapagkukunan din ng mahalagang impormasyon tungkol sa kultura ng Pilipinas ang programa na magiging dagdag na kaalaman para sa mga manonood.
Magbibigay ng direktang pagsalin ng mga Tagalog na salita sa sampung diyalektong pinakaginagamit sa Pilipinas; ang Tagalog, Ilocano, Panggalatok, Kapampangan, Bicol, Bisaya, Waray, Ilonggo, Cebuano, at Maguindanao.
Alamin ang lenggwahe at kulturang Pinoy sa I Speak Pinoy para mas maintindihan at pahalagahan ang pagkakaiba-iba ng lengguwaheng Pilipino.
SAMANTALA, BALIKAN ANG PAGPUNTA NG CAST NG 'ABOT-KAMAY NA PANGARAP' SA JAPAN PARA GLOBAL PINOYS SA GALLERY NA ITO: