
Mas pinalawak ang movie catalog ng GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
Mapapanood na dito ang mas marami pang modern at classic local films.
Kabilang diyan ang 'The Elsa Castillo Story,' starring Queen of All Media Kris Aquino, kasama sina Eric Quizon at Miguel Rodriguez.
Siguradong magugustuhan ito ng fans ng true crime dahil pagsasadula ito ng isang high-profile murder case na sinubaybayan ng buong bansa noong early 90s.
Para naman sa fans ng indie films, nariyan ang 'Sol Searching' na pinagbidahan ni Pokwang.
Tungkol ito sa pagtutulong-tulong ng isang komunidad para sa isang teacher na namatay pero walang pera para sa burol at libing.
Paano nila mabibigyan nang maayos na pamamaalam ang guro na nagturo sa kanilang mga anak at pati na sa mga magsasaka?
Makaka-relate naman ang mga young professionals na hopeless romantic sa 'Write About Love' na pinagbidahan nina Rocco Nacino at Miles Ocampo.
Kuwento ito ng dalawang screenwriters na kailangan bumuo ng isang love story. Magiging pagsubok ang kanilang collaboration dahil magkaiba sila ng style na dala na rin ng magkaiba nilang mga karanasan at pananaw sa buhay. Bahagi rin ng pelikula sina Yeng Constantino at Joem Bascon.
Ilan lang 'yan sa marami pang ibang pelikula na puwedeng i-stream sa GMA Play.
Bukod sa movies, mapapanood din sa GMA Play ang paborito niyong Kapuso series, newscasts, documentaries, sitcoms, at marami pang iba.
Whatever you're into, play them all on GMA Play!
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.