What's on TV

GMA travel show na 'Road Trip,' muling mapapanood simula March 11

By Jansen Ramos
Published March 7, 2023 1:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Scammers face up to 24 strokes of the cane in Singapore
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

road trip


Ipapalabas ang 'Road Trip' tuwing Sabado, simula March 11, sa ganap na 11:30 ng gabi pagkatapos ng 'Reporter's Notebook' sa GMA.

Simula March 11, muling mapapanood ang GMA travel show na Road Trip mula sa produksyon ng GMA Public Affairs.

Ipapalabas ito tuwing Sabado sa ganap na 11:30 ng gabi pagkatapos ng Reporter's Notebook sa GMA.

Mas magiging memorable ang bakasyon ngayong tag-init dahil sa pagbisita ng ilang celebrity families and barkadas sa iba't ibang probinsya sa Pilipinas

Kabilang na riyan ang Legaspi family na binubuo nina Zoren Legaspi, Carmina Villarroel, at mga anak nilang sina Mavy at Cassy na nag-road trip sa Batanes.

Game din ang magkapatid na Sanya Lopez at Jak Roberto sa kanilang scenic travel adventure sa Albay kung saan matatagpuan ang Mayon Volcano.

Sumabak naman sa extreme activities ang magkaibigang Kate Valdez at Mikee Quintos sa kanilang 'YOLO' trip sa Bukidnon kung saan sinubukan nilang mag-bungee jumping mula sa highest para-jump platform sa bansa at sumakay sa longest zipline sa bansa.

Available din ang full episodes ng Road Trip sa GMANetwork.com at GMA Network app.

SILIPIN SA GALLERY NA ITO ANG IBA PANG FUN TRAVEL ADVENTURES NG MGA CELEBRITY: