GMA Logo Matthaios tayo sana
Photo by: Asinatada Management and Production Inc.
What's Hot

#GMAHOAAccess: Matthaios, may hugot sa kanta niyang 'Tayo Sana'

By Kristine Kang
Published August 14, 2024 5:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Matthaios tayo sana


Alamin ang kuwento ni Matthaios sa paggawa ng kantang "Tayo Sana" dito.

Puno ng emosyon ang bagong single ng Filipino singer at songwriter na si Matthaios na pinamagatang "Tayo Sana." Ang kantang ito ay isinulat mismo ng singer at isang collaboration kasama ang digital creator at artist na si Yow.

Sa kanta pa lang, ramdam na kaagad ng fans ang nakakaiyak nitong mensahe na naglalaman ng paghiling na sana'y piliin at mahalin muli ng dating kasintahan.

Sa music video naman, puno ng simbolismo at interpretasyon ang ipinakita sa mga manonood. Sa simula, maaaring akalain na ito ay simpleng cooking video lamang ng bida habang nagluluto para sa kanyang kasintahan. Ngunit sa huli, makikita na siya lamang ang kumakain at wala talaga siyang kasama upang ipatikim ang kanyang nilutong pagkain.

Sa isang crowd interview, ibinahagi ni Matthaios ang inspirasyon sa paggawa ng kanta. Dito niya inamin na may personal siyang hugot sa pagsulat nito noon.

"Personal experience naman siya and that time nu'ng sinulat ko, iyon 'yung napi-feel ko. Pero ngayon hindi naman iyon ang feel ko so okay lang na puwede i-release siya. Pero yes, personal experience 'yan," inamin ng singer.

Paliwanag din niya, madalas raw kinukuha niya ang inspirasyon sa kanyang sariling karanasan o sa mga kuwento ng kanyang mga kaibigan.

"Kung hindi naman personal experience, ano naman po, parang experience ng friends ko. Mga kuwento nila sa akin. Tapos ilalagay ko siya sa song ko na parang POV [point of view] nila. Kahit 'di ko naman pinagdaanan, 'pag nagkuwento sila. Kasi may friends ako na mahilig mag-open na hindi naman sila humihingi ng advice. Nag-o-open lang sila, gusto lang mag-vent. (And) eventually, nagagawa [ko] naman ng song," paliwanag niya.

Dagdag din ni Matthaios, "Sinasabi ko rin sa kanila, 'Gawan ko ng kanta iyan. Sorry, gawan ko ng kanta iyan. Pero at least 'di ba, nasa Spotify na siya.'"

Ang music video ng "Tayo Sana" ay idinirehe ni Yow. Ayon kay Matthaios, puno ito ng simbolismo at tila may open ending na nagiging sanhi ng iba't ibang interpretasyon mula sa mga manonood.

Nang tanungin ng GMANetwork.com kung ano ang kanyang interpretasyon, sinabi ni Matthaios na ito ay isang nakakalungkot na kuwento kung saan ang bida ay pinipilit mag-move on ngunit umaasa pa ring magkabalikan sila ng dating kasintahan.

"Mag-isa na lang kasi siya doon sa may pool side, parang may sinusubuan siya ng mga niluto niyang food. Kasi iyon 'yung buong MV eh, may niluluto siyang food, dalawang potahe lang yata iyon ang niluto niya. Iyon 'yung kakainin niya sa ending and parang nakangiti siya tapos ni-reveal wala naman siyang katabi. So para sa akin, iyon 'yung mga favorite na pagkain nu'ng partner niya...parang nire-reminisce niya lang. Siguro iyon 'yung coping mechanism niya, iluto ang mga favorite food or umaasa na baka bumalik kapag siguro nakita na may favorite food siya or maamoy, parang ganun," pahayag niya.

Panoorin ang music video ng "Tayo Sana" dito:

Kilala si Matthaios sa kanyang hit songs katulad ng "Binibini," "Catriona," "I Want You Back," at marami pang iba. Ang kanyang mga kanta ay madalas nagiging sikat sa TikTok dahil sa iconic nitong tugtog.

Umabot pa sa international project ang singer nang nagkaroon siya ng collaboration sa iba't ibang Southeast Asian artists para sa kanta ng Disney na "Trust Again."