
Mahigit isang linggo pa lang ipinapalabas ang Abot Kamay Na Pangarap, ngunit bumubuhos na ang mainit na pagsuporta ng mga Kapuso sa pinakabagong GMA drama series.
Mula sa first episode nito na ipinalabas noong September 5 hanggang sa ngayon (September 14), hindi maikakaila na isa na ito sa mga tinututukan ng mga manonood tuwing hapon.
Sa pilot week ay pumalo agad sa ratings na 6.3 percent hanggang 7.1 percent ang mga naunang episodes ng inspirational drama.
Nito lamang September 12, 2022, nakakuha ng 6.9 percent ang episode ng programa na tungkol sa ambitious dream ng henyong bata na si Analyn (Heart Ramos/Jillian Ward).
Sa sunud-sunod na matataas na ratings na nakukuha ng bagong programa, labis-labis ang pasasalamat na nais ipaabot ng GMA Network sa mga tumututok sa medical-inspirational drama na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel, Jillian Ward, at Heart Ramos.
Maraming Salamat, mga Kapuso!
Inaaasahan namin ang patuloy ninyong pagsubaybay at pagsuporta sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: