GMA Logo Goblin
What's Hot

'Goblin: The Lonely and Great God,' mapapanood sa GMA ngayong September

By Jansen Ramos
Published September 5, 2022 4:01 PM PHT
Updated September 8, 2022 6:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Goblin


Abangan sa GMA ang isa sa mga pinag-usapang serye ng box-office South Korean superstar na si Gong Yoo.

Ngayong September, mapapanood sa Kapuso channel ang high-rating at multi-awarded fantasy K-drama ng award-winning South Korean actor na si Gong Yoo noong 2016, ang Goblin: The Lonely and Great God.

Tunghayan si Gong Yoo bilang Kim Shin, isang magaling na mandirigma mula sa Goryeo Dynasty na muling nabuhay bilang isang imortal na tagapagligtas o goblin.

Subaybayan ang kanyang paghahanap sa Goblin's Bride na itinakdang makapagpahihinto ng sumpa sa katauhan ng high school student na si Ella. Ginampanan ito ng South Korean actress na si Kim Go-eun.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, magkikita ang Goblin at ang tagasundo ng kaluluwa na si Grim Reaper na binigyang buhay ni Lee Dong-wook.

Sa pagtatagpo ng landas nina Kim Shin, Ella, at Grim Reaper, isang rebelasyon ang madidiskubre na may kinalaman sa relasyon nila sa isa't isa.

Mapapanood din sa Goblin: The Lonely and Great God sina Yoo In-na bilang Sunny at Yook Sung-jae bilang Patrick.

Abangan ang Goblin: The Lonely and Great God ngayong Setyembre na sa GMA.