
Sa ikaapat na linggo ng Gokusen season 2, muling nagtagpo ang landas nina Teacher Yankumi at ang kanyang dating estudyante na si Kuma.
Bagamat naka-graduate na ang dating mga pasaway na estudyante ng section 3-D, hindi pa rin naalis kay Teacher Yankumi ang pag-aalala sa kanyang mga dating mag-aaral.
Kaya naman nang malaman niya na nasangkot na naman sa gulo ang kanyang dating "big bad blonde" student na si Kuma ay to the rescue pa rin siya.
Dahil sa hiya kay Yankumi, tumanggi pang magpatulong si Kuma sa una pero balewala na ito dahil alam ni Yankumi na hindi niya kaya nang mag-isa ang mga gangster na kanyang nakalaban.
Bukod kay Yankumi, to the rescue na rin ang mga bago niyang estudyante na sina Keita, Hayato, Hikaru, Ryu, at Kosuke para tulungan si Kuma.
Sabay-sabay na tutukan pagpapatuloy na maaksyon na kuwento ni Teacher Yankumi at ng kanyang mga estudyante sa Gokusen season 2, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA!