What's Hot

Gold bar, natagpuan diumano sa Mindanao?

By Bianca Geli
Published July 26, 2018 4:09 PM PHT
Updated July 26, 2018 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang kuwento ni Alyssa at ng gold bar na inalok sa kanya na nagkakahalaga raw ng 26 million pesos. 

Video from GMA Public Affairs

Matagal ng usap-usapan ang Yamashita’s treasure, o mga gold bars na diumano galing World War II at  nakabaon sa lupa sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Marami na rin ang nagtangkang hanapin ito, at nasilaw sa pangako ng milyones na kapalit ng halaga ng isang gold bar.

Tulad na lang ni Alyssa, na ibinahagi sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang istorya ng kaniyang karanasan na maalukan ng gold bar.

Kuwento ni Alyssa, nitong Hunyo lang ng nasagot ni Alyssa ang mala-jackpot daw na tawag mula sa 'di kilalang numbero. Ayon daw sa caller, napanaginipan daw nito ang kaniyang number na siya raw dapat alukin na mag-benta ng gold bar.

Hugis parihaba at tinatayang 3 kilo ang bigat ng isang gold bag na nagkakahalagang ?26 million.

Ayon sa caller, ang mga gold bar ay nakuha raw sa isang balon sa Bukidnon, nakakuha sila ng anim na gold bars.

“Sabi nila, kayo lang po talaga ang makakatulong sa problema namin.Kasi wala na raw po silang mapupuntahan.”

Ikinuwento raw ng caller kung gaano kahirap ang kanilang buhay, kaya ang gold bar na lang ang inaasahan nilang tsansa para makaahon.

Ang kinakain lang daw nila, kamoteng kahoy, nagdi-dikdik sila ng asin para may ulam lang po, ilang araw na raw po sila hindi kumakain, so naawa po kami.

Dahil sa awa, pumayag si Alyssa na makipagkita sa caller para kunin ang pinapabentang gold bars. Handa raw ibigay ng mga callers ang isang gold bar kay Alyssa, kapalit lamang ng ?35,000. Bahala na raw si Alyssa na magbenta nito sa tunay nitong halaga.

Ang kanilang transaksyon, naging maayos kaya? Alamin sa KMJS.