GMA Logo Golden Cañedo, AC Bonifacio
Source: 24 Oras
What's on TV

Golden Cañedo at AC Bonifacio, mapapanood na sa 'Born to Shine' soon

By Kristian Eric Javier
Published July 11, 2026 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Meta scraps AI image feature days after launch
HABI opens vendor applications for the 16th Likhang HABI Market Fair
Nearly 30 street dwellers, minors rounded up in CDO

Article Inside Page


Showbiz News

Golden Cañedo, AC Bonifacio


Dalawang bagong miyembro ng NIXI ang makikilala na ng YUMI!

Lalong tumitindi ang kompetensya sa pagitan ng dalawang P-Pop groups sa Born to Shine: ang YUMI at ang NIXI. Lalo pang lalakas ang banggaan ng dalawang grupo sa pagdating ng mga bagong miyembro ng huli.

Ang NIXI, na binubuo ngayon nina Chloe Redondo, Angelika Santiago, Aliyah de Gracia, at Jane Mounter, ay ang karibal na P-Pop group ng YUMI. Binubuo naman ang huli nina Zephanie, Olive May, Naya Ambi, Mitzi Josh, at Gaea Mischa.

Sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras nitong Biyernes, July 10, ipinakilala na ang mga bagong miyembro ng NIXI—sina Lexi Hipolito, na gagampanan ng nagbabalik na si Golden Cañedo, at si Kendall Domingo, na gagampanan naman ng dating PBB housemate na si AC Bonifacio.

"I'm just glad to be here. I always love to do shows that celebrate performing, and dancing, and singing, and this is one of them, so I'm just glad to be part of it," sabi ni AC sa panayam sa kanila ni Athena.

Recovering na rin si AC mula sa kanyang injured arm at in good shape na kaya naman, complex dance moves ang ipapamalas niya sa serye.

"I was recovering also 'cause I did break my arm last year so I've been recovering, but we're back at it, dancing again," sabi ni AC.

KILALANIN ANG PINAKABAGONG P-POP GROUPS NA NAGDO-DOMINATE NG 2026 SA GALLERY NA ITO:

Isang sorpresa naman para sa kanyang fans ang pagbabalik telebsiyon ni Golden matapos ang kanyang five-year hiatus ngayong nakapagtapos na siya sa kursong Bachelor of Science in Nursing sa Cebu.

"Binigyan po ako agad ng opportunity dito sa Born to Shine and of course po na maipakita ko rin 'yung talent ko kasi it's my first time po sa serye, sa sayaw," sabi ni Golden.

Sa kabila ng kanyang pagbabalik telebisyon, naka-schedule na sa susunod na taon ang pagkuha ni Golden ng Nursing Licensure Exam. Sa ngayon, gusto lang muna umano ma-enjoy ng The Clash season 1 champion ang kanyang pagbabalik showbiz.

"Mapapanood n'yo po ako sa All-Out Sundays this coming Sunday po, and then sa The Clash, I hope na panoorin n'yo po ang The Clash Teens," sabi ni Golden.