
Binalikan ni Golden Cañedo ang kanyang winning moment sa The Clash sa TV special ng programa na The Clash Flashback Specials na ipinalabas noong Linggo, April 18.
September 30, 2018 nang itanghal ang Cebuana singer bilang kauna-unahang The Clash grand champion.
Pagbabalik-tanaw ni Golden, "No'ng tinawag na po 'yung name ko bilang The Clash grand champion, ang unang pumasok sa isip ko talaga is sobra-sobrang pasasalamat ko sa Panginoon. Ang prayer ko lang talaga no'n is 'Lord, kung sa'n man ako aabot, kung time ko na talaga 'to, ibigay n'yo na sa 'kin.' Ayon, naiyak ako. 'Di ko ma-explain 'yung nararamdaman ko. 'Yung family ko sobrang saya nila, niyakap nila 'ko."
Ito raw ang simula nang pagtupad ng mga pangarap ni Golden.
Dugtong niya, "Sobrang grateful ko lang talaga no'ng araw na 'yun at nagpapasalamat ako na ito na 'yung start ng journey ko as a singer. Natupad 'yung pangarap ko na isang simpleng bata lang ako na nangarap noon at 'eto na, nanalo na and patuloy pa rin nangangarap."
Tila nabunutan daw ng tinik si Golden nang matapos ang kanyang performance bilang final five finalist.
Imbis na ma-tense, minabuti na lang niyang enjoy-in ang moment nang tawagin sila ni Jong Madaliday bilang magkatunggali sa 'Ultimate Final Clash.'
Sabi ni Golden, "Ine-enjoy ko na lang din kung ano 'yung mga nangyayari 'tsaka happy na rin ako sa lahat ng mga na-achieve ko, sa lahat ng mga naabot ko at that time na ando'n ako sa The Clash."
"Ikaw Ang Pangarap" ang kinanta ni Golden bilang kanyang final song, samantalang "Roses" naman ang kinanta ni Jong.
Ani Golden, nakatulong daw ang pagiging energetic ng kanyang katunggali para kumalma ang kanyang loob sa grand finals.
"Mahirap din kasi 'yung kanta ko medyo emosyonal siya 'yung 'Ikaw Ang Pangarap.' Habang kinakanta ko s'ya, 'yung mga lyrics ng kanta naghi-hit sa 'kin. Sobrang [tumagos] sa puso ko kasi, at that time, pangarap ko talaga na makatungtong talaga dito sa The Clash stage.
"Sobrang naiyak ako talaga. Pinipigilan ko lang 'yung luha ko kasi baka [maapektuhan] 'yung voice ko pero no'ng pagkanta ni Jong, do'n ko na-feel na e-enjoy-in ko rin 'to kasi nahawa rin ako sa nvibes n'ya."
Bilang The Clash grand champion, kinanta ni Golden ang kanyang victory song na "Ngayon Ang Tagumpay."
Sa ngayon, napapanood si Golden sa GMA Sunday variety show na All-Out Sundays.
Dito, isa siya sa mga diva ng "Queendom," ang segment kung saan tampok ang powerhouse performances kasama ang mga kapwa niya singer na sina Lani Misalucha, Aicelle Santos, Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Thea Astley, Jessica Villarubin at Jennie Gabriel.
Kilalanin pa sila rito: