
Noong 2018 nang tanghalin si Golden Cañedo bilang kauna-unahang The Clash grand champion.
Sa kanyang pagbabalik-tanaw, sinabi ni Golden na ang mga komento at payo sa kaniya mula sa mga judge na sina Lani Misalucha, Ai-Ai delas Alas, at Christian Bautista. Maging ang host ng programa noon na si Regine Velasquez, nag-iwan din ng leksyon para sa kaniya
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, July 15, inilahad niya ang madalas na paalala ni Asia's Songbird, “Lagi lang po niyang sinasabi nu'ng time po na lumalaban kami, nu'ng time na 'yun ay 'Just relax and be yourself.' 'Yun lang po talaga 'yung sinasabi niya."
Pagdating naman sa mga komento ng judges, sinabi ni Golden na halos iisa ang sinabi nina Lani, Ai-Ai, at Christian: hindi nila umano inasahan ang performances at pagkapanalo ni Golden.
“Kasi po nung time na 'Matiray Matibay,' 'yon yung stage na last chance na matatanggal ka na nun. Yung kinanta ko po no'n is 'Kailangan Kita,' so at that moment po, talagang binigay ko yung lahat ko. Binigay ko yung best ko,” sabi ni Golden.
Kaya naman, hindi umano inasahan ni Lani ang ganoong kagandang performance mula kay Golden.
BALIKAN ANG NAGING BUHAY NI GOLDEN SA GALLERY NA ITO:
Bilang komedyante, naiiba naman ang komento ni Ai-Ai kaya naman, naging memorable din ito kay Golden, 'Chuk! Pak! Ganun!' Talagang binigay ko daw talaga 'yung best ko na parang hindi po talaga nila in-expect.”
Ani Golden, nakita naman ni Christian ang dedikasyon niya sa pagkanta noong mga panahong iyon.
Samantala, inamin ni Golden na lumaki siya nang walang vocal coach kaya hindi niya alam ang tungkol sa tamang vocal exercises.
“Wala po talagang nagga-guide sa akin kung ano po talaga ang proper. And nu'ng after na nanalo lang po ako nalaman ko na may mga ganu'n so talagang sariling sikap lang po talaga,” sabi ni Golden.