
Excited na umuwi si Golden Cañedo sa kanyang hometown sa Cebu after niyang manalo sa The Clash. "Mag-se-set po ako ng date na makauwi ako ng Cebu."
Dagdag pa niya, may naghihintay sa kanyang parada at homecoming sa November. Kuwento ng new Kapuso star, "May homecoming po ngayong November po. November 16 po siguro, then November 24. Nag-re-ready na po sila na uuwi ako ng Cebu, nag-re-ready po sila sa akin for a parade."
Excited na rin si Golden na makita ang mga kaibigan niya sa Cebu. Ika niya, "Na-mi-miss ko na nga po 'yung mga classmates ko. Kasi sa isang iglap parang nandito na po ako sa Maynila."
Mapapanood ngayon si Golden sa Studio 7, every Sunday at 7:40PM!