
Hindi pinalampas ni The Clash Season 1 grand champion Golden Cañedo ang pagkakataong mag-perform muli sa harap ng maraming tao matapos niyang magdesisyon na unahin ang kanyang pag-aaral.
Nakatakdang mag-perform si Golden sa The Clash 2023 kasama ang kapwa niya grand champions na sina Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, at Mariane Osabel.
"Sobrang fun talaga, tapos kulitan. 'Yung mga tao doon, nagme-message sa akin na 'Welcome back,'" kuwento ni Golden sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.
Second year nursing student na si Golden sa University of the Visayas. Bukod dito, tumutulong din siya sa mga nurse na gustong makapagtrabaho sa ibang bansa.
"Nung nalaman ko na may chance ako to focus on my studies, grinab ko talaga," pagtatapos niya.
Mapapanood ngayong taon ang The Clash Season 5, sa ilalim pa rin ng direksyon ni Louie Ignacio.
Para sa iba pang updates tungkol sa programa, manatiling bumisita sa GMANetwork.com/The Clash at sa official Facebook, Twitter, TikTok, at YouTube pages ng The Clash.
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGING TRANSFORMATION NI GOLDEN MATAPOS NIYANG MANALO SA THE CLASH DITO: