
Ngayong parte na ng GMA Records si Golden Cañedo after manalo sa The Clash, in the works na ang upcoming album nila ng fellow Clashers niya. Aniya, "May ginagawa po sila ngayon na album po para sa amin."
Unti-unti nang naaabot ni Golden ang kanyang mga pangarap. Ano pa nga ba ang gusto niyang maabot? Ika niya, "Pangarap ko ng magkaroon ng sariling kanta. Naghahanap na po ang GMA Records, and pina-practice ko na po siya. Ready na ready na po [ako,] excited na excited na."
Kuwento pa ni Golden, malaki ang pinagbago ng kanyang buhay ngayong isang official na Kapuso recording artist na siya. Saad niya, "Araw-araw po, maraming nagbabago sa buhay ko. Marami pong binibigay sa aking blessings si God. Sobra po, parang 'yung 2018 po 'yung pinaka-memorable na year sa buhay ko."
Bukod sa upcoming album, mapapanood din si Golden sa Studio 7 every Sunday.