
Matapos ang mahigit anim na taon, unti-unti nang bumabalik ang confidence ni The Clash season 1 grand champion Golden Cañedo sa pagpe-perform, lalo na ngayon na parte na siya ng hit GMA Afternoon Prime musical-drama series na Born to Shine.
"Six years po ako talagang nawala, and then nung first na pagpunta ko dito, sobrang kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang mangyayari," sabi ni Golden sa panayam sa kaniya ni Athena Imperial para sa 24 Oras Weekend.
Pag-amin ni Golden, na-starstruck siya sa OPM singer na si Roselle Nava pagtapak niya sa Born to Shine. Ginagampanan ng OPM Hit Maker ang role ni Monica Pascual, ang may-ari ng music management company na Astra M na nagsimula ng P-Pop girl group na YUMI.
"Oh my gosh! Siya pala 'yung kumanta nun! 'Tapos, ang galing po mag-acting. Kailangan kong mag-level up. Ayun yung motivation ko sa sarili ko na gusto ko iba naman yung Golden na makikita n'yo," sabi ni Golden.
BALIKAN ANG PAGSAGOT NI GOLDEN SA MGA HAKA-HAKA TUNGKOL SA PAG-ALIS NIYA PANANDALIAN SA SHOWBIZ SA GALLERY NA ITO:
Samantala, masaya rin umano ang co-star niyang si Zephanie na magkasama silang kapwa kontesera sa serye. Ginagampanan ni Zephanie ang role ni Jeni, na dating lider ng YUMI; habang si Golden naman ay si Lexi Hipolito, isa sa dalawang pinakabagong miyembro ng karibal nila na NIXI.
"I just enjoy performing with my co-artist, especially 'yung talagang laking OPM din. Alam n'yo po 'yun? 'Yung mga laking contest din. Parang na-feel ko na 'Uy, para tayong naglalaban pero at the same time, we're performing in one stage," sabi ni Zephanie sa hiwalay na panayam kay Athena.
Marami ang natuwa nang muling nilang mapanood si Golden sa All-Out Sundays noong July matapos ang anim na taong hiatus. Sa guesting na iyon, ibinahagi niya ang pagiging parte niya ng Born to Shine kasama ang ikalawang bagong miyembro ng NIXI na si AC Bonifacio.
Sa Instagram, ibinahagi ni Golden na nagtapos siya kamakailan sa kursong Bachelor of Science in Nursing, isa sa mga dahilan kung bakit siya nawala panandalian sa mundo ng showbiz. Sa isang panayam, ibinahagi rin ng The Clash champion na kukuha siya ng licensure exam sa susunod na taon.
Panoorin ang panayam kay Golden dito: