
Panalo ng PhP200,000 jackpot prize ang pamilya ng dating aktres at alkalde ng Tacloban City na si Cristina Gonzalez-Romualdez kasama ang kanyang anak na si Sofia Romualdez, kapatid na si Tanya Gonzalez, at pamangkin na si Rocio Gonzalez sa kanilang paglalaro sa trending weekday game show ng GMA na Family Feud kahapon, Huwebes, November 24, 2022.
Sa nasabing episode nakalaban nila ang pamilya ng '90s heartthrob na si Robin Da Roza, ang asawa nito na si Maffy Soler-Da Roza, pamangkin na si Samantha Da Roza, at Danessa Soler.
Si Robin ay isa sa mga nakatrabaho ng game master na si Dingdong Dantes sa isa sa mga una niyang teleserye sa GMA na Sana Ay Ikaw Na Nga taong 2000.
Samantala, sa naturang game, leading na sana ang Da Roza and Soler Family sa first round pero bigo nilang mahulaan ang dalawa pang sagot sa survey question na, "Ano ang sign na tumatanda ka na."
Ang round na ito ay na-steal ng Gonzalez Family at nakakuha sila ng score na 77 points mula dito.
Pagdating naman second at third round, nakabawi ang Da Roza and Soler Family sa score na 221 points.
Sa fourth round kung saan triple na ang magiging score sa tamang sagot, na-steal ng Gonzalez Family ang game sa score na 332 points nang mahulaan nila ang tatlong survey answers sa tanong na, "Paano mo ide-describe ang isang duwende."
Dahil dito, sila ang nagtuloy sa last round na fast money round kasama sina Tanya at Rocio. Sa round na ito, nakabuo ang dalawa ng 202 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.
Samantala, makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) bilang napiling charity ng Gonzalez Family habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang Da Roza and Soler Family.
Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
SILIPIN ANG ILAN SA '90s ACTION HEARTTHROBS NA KINAGILIWAN NOON SA GALLERY NA ITO: