
Pagdating sa isang relasyon, ang pag-propose ay isa sa mga pinakaimportanteng hakbang at puspusang pinagpaplanuhan. At kung maganda ang pagplano, magiging memorable ito sa magkasintahan at sa mga makakasaksi nito.
Nakilala ng Good News ang magkasintahan na sina John Rey Zabella at Sophia Nicole Coprada na naging viral kamakailan dahil nakunan si John Rey na nagpo-propose kay Sophia sa tuktok ng Mount Pulag. Inakyat ng magkasintahan ang Mount Pulag para ipagdiwang ang ika-limang taon ng kanilang pagsasama, pero plano na rin pala ni John Rey na mag-propose kay Sophia.
Napansin man ni Sophia na hindi mapakali si John Rey habang inaakyat nila ang Mount Pulag, hindi niya inakala na plano na pala nitong mag-propose. Pinili ni John Rey na mag-propose sa tuktok ng Mount Pulag upang gamitin ang sea of clouds nito bilang background. Narating din nila ang tuktok ng Mount Pulag pagkatapos ng tatlong oras ng pag-akyat, at dito na nga nag-propose si John Rey at saka nakuha ang kanilang viral photo.
Panoorin ang video sa baba.
Sila John Rey at Sophia ay isa lamang sa mga magkasintahan o mag-asawa na nakilala ng Good News. Nariyan si Michael Gene Cendana at Mary Grace Aquino na may-ari ng Pinanag's On-The-Go Pastil na kumikita ng PhP75,000 sa loob ng isang araw.
Nariyan rin ang mag-asawang Ferdinand Atienza Sr. at Maria Atienza na napag-aral ang kanilang sampung anak sa pamamagitan ng pagbenta ng fishball at balut, at ang mag-asawang Zenaida “Zeny” Paras Inato at Angelito “Lito” Inato na naitaguyod ang kanilang pamilya dahil sa kanilang paresan.
Panoorin ang Good News at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.