
Dahil sa sitwasyon sa bansa at sa mundo ngayon, hindi na ganun kadali na mamigay na lang ng mga libreng bagay nang basta-basta. Pero, hindi ibig sabihin na hindi na ito nangyayari. Sa katunayan, marami pa rin ang namimigay dahil lamang sa kabutihan ng kanilang loob.
Nariyan ang Bisakolog Eatery sa Antipolo Rizal na namigay ng pares sa mga batang lansangan, ang OFW Natural Organic Garden Inc. na namimigay ng mga organic vegetables, at ang Paanatiks PH na namimigay ng libreng artificial leg.
Ang isa pang nadiskubre ng Good News ay ang 37 na taong gulang na si Jomar Camanga na taga-Salcedo, Ilocos Sur. Naging viral ang isang Facebook post niya na nagpapakita sa kaniyang namimigay ng libreng mangga para sa kanyang mga kapitbahay.
Magsasaka si Jomar na nagtatanim ng palay tuwing wet season at gulay at tabako kung dry season. Kung ano mang kita na kaniyang nakukuha mula sa pagsasaka, ginagamit upang suportahan ang anak na nag-aaral sa Canada.
Maliban sa sakahan, meron ding dalawang puno ng mangga ang lola ni Jomar at ang bunga nito ay pinaghahatiaan nilang magkakamag-anak. Ang parte ni Jomar ay ipinamimigay niya noon pa man. Mas lalo pa siyang naudyok na ipamigay ito dahil sa dami ng mangga na tumutubo sa kanilang lugar, imbes na hayaan na lamang itong mabulok.
Ang kabutihan nito ni Jomar ay kumalat na rin sa kanyang mga kapitbahay, tulad ni Nestor Sumao-I na dati niyang katrabaho sa barangay. Bilang pasasalamat, binigyan din niya ng papaya si Jomar.
Panoorin ang video sa baba.
Panoorin ang Good News at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.