GMA Logo chicken biryani
What's on TV

Good News: Bisitahin ang authentic chicken biryani na ito sa Pasig!

By Ron Lim
Published October 20, 2023 1:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte defends Bato dela Rosa, addresses Senate tension
Mga taga Central ug Eastern Visayas, Nanghawod sa March 2026 L.E.P.T. | Balitang Bisdak
Chelsea Fernandez loses P100,000 in booked car

Article Inside Page


Showbiz News

chicken biryani


Hindi na kailangan bumiyahe sa Middle East upang masubukan ang authentic chicken biryani.

Para sa mga foodie, importante ang makatikim ng authentic version ng isang putahe. At kung authentic chicken biryani ang hanap ng mga foodie, hindi na nila kailangang bumiyahe nang malayo dahil merong pwesto sa Pasig City na nagbebenta ng authentic chicken biryani na gawa mismo ng isang Lebanese.

Ang authentic chicken biryani na ito ang pinuntahan ng Good News upang malaman ang kuwento sa likod ng kanilang awtentikong putahe.

Ang Why Chicken! ay matatagpuan sa 451 Amang Rodriguez sa Pasig City at pagmamay-ari ng mag-asawang Rhodora Hassouna at Abed Elrahman Hassouna. Dahil tubong Lebanon si Abed, ang kanyang paraan ng pagluto ay katulad ng kanyang natutunan sa kanyang bansa. Overnight na mina-marinate ang mga manok gamit ang mga pampalasa na galing pa mula sa Lebanon at Middle East. Pagkatapos i-skewer ang mga manok ay niro-roast ito at iniiwan sa loob ng lutuan upang mapanatili ang katas nito. Kapag naluto na, sinasama ang manok sa authentic na biryani rice.

Ibinebenta nila ang kanilang chicken biryani sa halagang PhP300 at sa loob ng isang araw ay nakabebenta sila ng 300 hanggang 500 na manok.

Ang tagumpay na tinatamasa nila ngayon ay bunga ng mahabang love story nila Abed at Rhodora, na unang nagkakilala noong 2005 sa Kuwait.

Ayon kay Abed, una pa lang niyang kita kay Rhodora ay naramdaman na niyang kailangan na niyang makausap ito. Ngunit dahil hindi pa handa sa relasyon si Rhodora noong panahong iyon, naging magkaibigan lamang sila sa text. Pagkatapos ipakita ni Abed na nais niyang maging asawa si Rhodora at hindi lamang nobya, naging magkarelasyon ang dalawa at tuluyan ding ikinasal at nagkaroon ng dalawang anak.

Nagkaroon din ng mga pagsubok ang kanilang 14 na taong pagsasama, tulad nung kinailangan maghiwalay ng kanilang pamilya dahil sa kaguluhang nangyari sa Lebanon. Nagtungo si Abed sa Qatar para mag-trabaho habang umuwi sa Pilipinas si Rhodora kasama ang kanilang mga anak. Namroblema din si Abed kung magiging sapat ang kikitain nila sa Pilipinas, ngunit pursigido si Rhodora na mag-trabaho sa Pilipinas basta malayo sa gulo ang kanilang mga anak.

Habang nagtratrabaho sa Pilipinas ay naisipan ni Rhodora na ibenta ang chicken biryani na niluluto nila dahil hindi hamak na mas masarap ito at awtentiko. Dumami nang dumami ang mga customer ng kanilang negosyo hanggang si Abed ay pumunta na rin sa Pilipinas upang tulungan si Rhodora sa kanilang negosyo.

Panoorin ang buong video dito:

Panoorin ang Good News at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.