GMA Logo Good News Arra San Agustin
Photo source: Good News Facebook page
What's on TV

Good News: Bisitahin ang mga libreng pasyalan na ito sa Rizal

By Ron Lim
Published April 24, 2025 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Good News Arra San Agustin


Bisitahin ang mga pasyalang ito sa Rizal na hindi masakit sa bulsa.

Maaaring tapos na ang Holy Week, pero meron pa ring mga Kapuso na may panahon pa para magbakasyon ngayong tag-init. Kung ang hanap nila ay isang destinasyon na malapit lang sa Maynila at hindi pa masakit sa bulsa, merong mairerekomenda ang Good News.

Matatagpuan sa Tanay, Rizal ang Cielo Alto Place, isang event place kung saan matatanaw ang mga bulubundukin ng Sierra Madre. Merong limang uri ng cabin na maaaring rentahan dito kung nais ng mga bisita na mag-overnight o di kaya antayin ang tanyag na “sea of clouds” na makikita sa lugar kapag tag-ulan.

Ang mga cabin na puwedeng pagpilian ng mga bisita ay ang mini cabin, ang regular cabin, ang family cabin, at ang VIP room 1, 2, at 3. Ang renta para sa isang overnight stay ay nagsisimula sa PhP3,000 para sa mini cabin hanggang PhP4,500 naman para sa VIP room 1.

Kung wala namang plano na tumigil ng isang gabi sa Cielo Alto Place, meron itong mini carnival na walang entrance fee kung mag-iikot-ikot lamang ang mga bisita. Merong mga bump cars at carnival games na makikita rito,

Makikita naman sa Baras, Rizal ang Mangantila Café and Restaurant na merong mga photo spots na libreng puntahan para sa mga bisita. Kung abutin man ng gutom dito, maari na ring kumain sa restaurant na may mga putahe tulad ng inulang (PhP568) at pinakbet na gata (PhP288).

Panoorin ang buong episode ng Good News sa baba.

Ang mga lugar na ito ay ilan lamang sa mga destinasyon na binisita ng Good News at pinakilala sa mga manonood. Nariyan rin ang mga pasyalan sa Cuenca, Batangas na merong napakagandang view ng Bulkang Taal na mabibisita sa halagang PhP150 lamang.

Ang isa pa sa murang pasyalan na nadiskubre ng Good News ay ang Cely Farm, Bitbit River, at ang Ipo Dam Viewdeck, mga destinasyon sa Norzagaray, Bulacan na ang hinihinging entrance fee ay nagsisimula sa PhP10 lamang.

Nariyan din ang Casa Peregrine Resort and Restaurant na PhP50 lamang ang hinihinging entrance fee.

Panoorin ang Good News at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.