
Mahirap maisip na meron pa ring mga mapagbigay na tao ngayon, dala na rin ng hirap ng buhay at iba-iba pang mga balakid. Gayunpaman, meron pa ring mga Pilipinong mapagbigay kahit pa sa hirap ng buhay ngayon, at marami sa kanila ay nakilala ng Good News.
Nariyan si Jomar Camanga ng Ilocos Sur na namimigau ng libreng mangga, ang Bisakolog Eatery sa Antipolo Rizal na namigay ng pares sa mga batang lansangan, ang OFW Natural Organic Garden Inc. na namimigay ng mga organic vegetables, at ang Paanatiks PH na namimigay ng libreng artificial leg.
Nakilala ng Good News sa Valenzuela si Babylin delos Santos, isang tindera ng isda na namimigay ng libreng isda. Bata pa lamang si Babylin ay nasa palengke na siya kasama ang kanyang mga magulang. Noong hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, pinursige niya ang pagtitinda. Ayon sa kanya, ang pagtitinda ng isda ang bumuhay hindi lang sa kanyang pamilya, kundi sa buong angkan nila.
Bago pa man magsimulang mamigay ng libreng mga isda si Babylin, namimigay na siya at ang kanyang pamilyang libreng tubig at tinapay. Nagsimula siyang mamigay ng libreng isda pagkatapos siyang tulungan ng isang mabuting tao para maidala ang kanyang premature na anak sa ospital. Simula noon ay naging tradisyon na para kay Babylin na mamigay ng libreng isda, at plano niya ulit gawin ito sa paparating na Holy Week.
Panoorin ang video sa ibaba.
Panoorin ang Good News at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.