GMA Logo Tooth care
What's on TV

Good News Kasama si Vicky Morales: Alamin kung paano alagaan ang ngipin!

By Ron Lim
Published April 12, 2022 3:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Meralco to heed ERC order halting disconnections for May to July bills
5 Davao SK heads face probe over alleged fund misuse
What we know about Franco Mabanta

Article Inside Page


Showbiz News

Tooth care


Ipapakita ng Good News Kasama si Vicky Morales ang iba't-ibang paraan kung paano aalagaan ang iyong mga ngipin!

Alam ng karamihan na pagdating sa pag-aalaga sa ating ngipin, importante ang mag-sipilyo. Pero alam niyo rin ba na may mga simpleng paraan din upang masiguro ang kalusugan ng ating ngipin?

Hatid ng Good News Kasama si Vicky Morales ang ilang mga simpleng health hacks upang masiguro na manatiling matibay at malusog ang inyong mga ngipin.

Pumili ng tamang toothpaste

Toothpaste

Photo source: Good News Kasama si Vicky Morales Facebook page

Ayon kay Dr. Mario Guiang Jr., isang dentistang kinonsulta ng Good News Kasama si Vicky Morales, hindi lang sapat ang bastang pagsisipilyo. Kailangan ay tamang toothpaste din ang iyong gamit dahil naka-depende sa fluoride content ng iyong gamit na toothpaste ang pagiging epektibo ng iyong pag-brush.

Para sa mga edad tatlo at pababa, kailangan na 1,000 ppm o parts per million ang fluoride content ng kanilang gamit na toothpaste. More than 1,000 ppm naman ang kailangan para sa mga three-years-old hanggang six-years-old. Sa mga edad anim pataas, 1,350 ppm hanggang 1,500 ppm ang kailangang fluoride content. Makikita ito sa mga label ng toothpaste.

Magsipilyo ng maayos at mag-floss

Kapag nagsisipilyo, kailangan naka-anggulo ng 45 degrees ang sipilyo at ginagawa two times a day sa loob ng dalawang minuto. Huwag rin gaanong magmumog pagkatapos mag-sipilyo upang ma-absorb ng ngipin ang fluoride. Mag-floss din upang masiguro na ang mga natitirang dumi o tartar sa ngipin ay natatanggal din.

Gumamit ng tongue scraper at magmumog ng mouthwash

Mouthwash

Photo source: Good News Kasama si Vicky Morales Facebook page

Ang tongue scraper ay ginagamit upang masiguro na natatanggal din ang kung ano mang bacteria sa ating dila na maaaring maging sanhi ng bad breath. Nakakatulong din sa pag-iwas sa bad breath ang paggamit ng mouthwash pagkatapos magsipilyo.

Kumain ng pipino

Pipino

Photo source: Good News Kasama si Vicky Morales Facebook page

Salamat sa taglay na phytochemicals, nakakatulong ang pipino upang maalis ang mga duming namuo sa ngipin. Nagpapataas din ito ng produksiyon ng laway na siyang nakakatulong sa pag-alis ng bad bacteria sa bibig.

Idagdag ang yogurt, carrot, at mansanas

Apple

Photo source: Good News Kasama si Vicky Morales Facebook page

Mayroong mga pagkain tulad ng yogurt, carrot, at mansanas na malaking tulong sa pagpapanatili ng kalusugan ng ngipin at bibig natin. Halimbawa, ang yogurt ay nagtataglay ng probiotics na siyang nakakatulong sa pagpatay ng bacteria. Meron din itong calcium na nagpapatibay sa enamel ng ngipin.

Ang carrot naman ay puno ng Vitamin C, na nagpapalakas ng ating immune system na magre-resulta sa pagtigil sa bad breath. Mayroon din itong carotene at Vitamin A na nagpapatibay din ng tooth enamel. Ang mansanas naman ay merong natural sugars na siyang kumokontra sa asido sa bibig.

Magmumog ng tubig pagkatapos kumain

Kung walang sipilyo at toothpaste na dala, ugaling magmumog ng tubig pagkatapos kumain dahil ito ang magtatanggal sa mga natitirang pagkain sa iyong bibig. Hinuhugasan din nito ang anumang stain na maaaring iniwan ng pag-inom ng kape.

Panoorin ang buong video sa baba.

Panoorin ang Good News Kasama si Vicky Morales at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.