GMA Logo Edison Conocido
Photo source: Good News Facebook page
What's on TV

Good News: Kilalanin ang buko sherbet vendor na kahawig ni Chris Brown

By Ron Lim
Published March 15, 2026 1:18 PM PHT
Updated March 15, 2026 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Almost 200,000 outbound passengers seen in seaports during Holy Week
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Edison Conocido


Hindi nagdalawang-isip si Edison Conocido na gamitin ang pagkakahawig niya kay Chris Brown upang makabenta ng buko sherbet.

Malaki man o maliit ang negosyo mo, kadalasan ay kailangan mo ng isang gimik upang umibabaw ka sa iyong kompetisyon. Para sa tindero ng sherbet na nakilala ng Good News, ang gimik na kanyang napili ay ang paggaya sa American singer na si Chris Brown.

Si Edison Conocido ay isang tindero ng buko sherbet sa Fusion Alley sa Sampaloc, Manila, na sinasabi ng mga tao ay kahawig si Chris Brown. Dahil dito, na-curious si Edison at sinimulang gayahin ang singer at ginamit ang mga sayaw nito sa kanyang pagbebenta ng buko sherbet, na nagkakahalaga ng PhP20 hanggang PhP50.

Hindi naging madali para kay Edison na maabot ang sitwasyon niya ngayon. Naulila siya noong 10 taong gulang pa lamang siya, at sa murang edad ay gumawa na ng iba't ibang trabaho tulad ng pagiging waiter at taga-linis ng computer shop. Dahil sa pagiging ulila, napalapit din sa illegal na Gawain si Edison dahil walang-wala na siya at hindi alam kung sino pa ang pwede niyang lapitan.

Nagbago ang kanyang buhay nang makilala niya si Mark Adrian Manabat, isang kaibigan na nakilala niya sa paglalaro ng basketball. Ibinahagi niya ang concern niya sa sitwasyon ni Edison, at siya rin ang nagtulak dito na maging tindero ng buko sherbet.

Nagsimula magbenta si Edison sa Quiapo, at noong pumwesto sa Fusion Alley sa Sampaloc, mas lalo siyang pumatok dahil sa kanyang mga galawang Chris Brown.

Panoorin ang buong episode ng Good News sa baba.

Isa lamang si Edison sa mga viral na Pilipino na nakilala ng Good News. Nandiyan din si Neneng B. ng Quiapo na nakilala dahil sa kanyang catchphrase na “Ma, anong ulam?” Nakilala din nila si

Harry Mantilla ng Nueva Vizcaya, na nakilala sa kanilang paaralan bilang estudyanteng barber. Nariyan din si John Harrie “Doody” Regondola, isang criminology student na may iba't ibang ginagawang raket upang makapag-aral; si Arshie Larga, ang pharmacist TikToker, at ang mga estudayaneng taga-Davao na nag-viral dahil sa cha-cha

Panoorin ang Good News at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!



Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.