GMA Logo Seafood tiangge sa Masbate
What's on TV

Good News: Magtipid at bisitahin ang tiangge ng isda sa Masbate

By Ron Lim
Published August 30, 2024 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Seafood tiangge sa Masbate


Bagsak-presyo ang mga isda at iba pang lamang-dagat sa tianggeng ito sa Masbate.

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, hindi masisi ang mga ordinaryong Pilipino na patuloy na naghahanap ng paraan upang mas mapadali ang kanilang buhay at makapagtipid kahit papaano pagdating sa mga araw-araw na gastusin.

Maaaring sinusubukan nilang magtanim ng sarili nilang mga sangkap sa pamamagitan ng hydroponics o kaya ay sumasali sa mga kakaibang challenge sa pagtabi ng pera tulad ng PhP20 challenge.

Pwede ring tinatangkilik nila ang mga lugar tulad ng OFW Natural Organic Garden Inc. na nagtatanim ng mga organic vegetables at pinamimigay ito ng libre.

Ang isa pang paraan upang makatipid na nadiskubre ng Good News ay ang isang tiangge sa Masbate na nagtitinda ng bagsak-presyo na mga isda sa mga mamimili.

Matatagpuan ang seafood tiangge na ito sa Barangay Divisoria, Cawayan, Masbate. Sa tiangge ay makakapili ang mga mamimili ng mga iba't ibang uri ng lamang-dagat na sariwang-sariwa pa mula sa karagatan.

Ayon kay barangay captain Richard “Ricky” Manatad, nagsimula ang seafood tiangge ng Barangay Divisoria nang imbitahan niya ang mga mangingisda na magbenta ng kanilang huli sa tabing-dagat nila. Ilan sa mga itinitinda sa tiangge ay mga sariwang isda, halamang dagat, at mga sea shell.

Hindi rin maitatanggi ang baba ng presyo ng mga bilihin dito. Maaaring bumili ng isang kilo ng scallops sa halagang PhP40, habang ang isang kilo ng tuyo o dried fish ay maaaring bilhin sa presyong PhP50 hanggang PhP200. Ang malalaking mga bailer shells naman o binga ay mabibili sa halagang PhP120 per kilo. Ang sikad-sikad naman ay PhP40 per kilo lamang.

Panoorin ang video sa ibaba.

Panoorin ang Good News at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!



Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.