
Lagpas ng isang lingo na lang ang natitira bago dumating ang Araw ng Pasko, at para sa ilang mga Pilipino na naghahanap pa rin ng mapupuntahan na espesyal kasama ang kanilang pamilya, maaari nilang bisitahin ang destinasyong ito.
Binisita ng Good News ang Santo Tomas, Pampanga upang puntahan ang Rancho, isang Christmas village na mala-Disneyland ang dating. Pagmamay-ari ito ni Jhong Naguit, at ayon sa kanya, ang limang hektaryang destinasyon ay nagsimula bilang bougainvillea garden bago maging destinasyon ngayong Kapaskuhan.
“Gusto lang naming magkaroon ng Christmas village dito sa lugar namin kasi 'yung lugar po namin ang pinakamalapit na bayan sa Santo Tomas, Pampanga,” saad niya. “Alam naman natin na 'yung Pampanga, well-known sa mga Christmas village.”
Maliban sa isang princess castle, meron ding mga performers ang Rancho tulad ng isang theme park, at merong fireworks at Winter Wonderland na gumagamit ng artificial snow. Marami ring mga sulok kung saan pwede gumala at mag-take ng Instagram photos ang mga bisita.
Dinala ng Good News ang mag-lola na sina Ellen Muñoz at Sean Andrei Perrin sa Rancho para sa isang masayang Pasko. Panoorin ang video sa baba.
Ang Rancho ay isa lamang sa mga Christmas destination na pwedeng puntahan ngayong Kapaskuhan. Nariyan rin ang higanteng Christmas tree sa Sumulong Park sa Antipolo City at ang Christmas Village sa San Rafael, Bulacan.
Nariyan din ang mga Christmas destination tuland ng McKinley Hill gondola ride, ang Fountain of Lights sa Nuvali, at ang Tagpuan sa Lumang Gapan.
Panoorin ang Good News at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.